Chapter 14-Into The Storm

9.3K 252 42
                                    

Viola's POV

"May balita ka ba kay Aleck?" Basag ko sa tahimik na si Mico.

"Wala." Maiksi niyang sagot na napatiim. "Bakit sa akin mo tatanungin?" Inis pang dugtong niya.

"Tinatanong lang kita dahil gusto ko malaman kung may mga pagbabanta ba siya sa 'yo dahil sa ginawa mong pang-bu-bugbog sa kanya." Iritado kong sagot.Nakakainis kasi ang taong ito eh.Hindi ko alam ang pag-uugali.Sala sa init,sala sa lamig.

"Na-areglo na 'yon.Tingnan ko lang kung magsasalita pa 'yon." Deretso lang sa daan ang paningin niya.Ni hindi nga ako nililingon.

"What do you mean?" Maang kong tanong. "Mico,ano ang ginawa mo sa kanya?" Kinakabahan kong tanong.

"Saka na tayo mag-usap Violet.Nagmamaneho ako." Pag-iwas niya sa usapan namin. "Sasabihin ko sa 'yo kapag naka-uwi na tayo ng Manila." Dugtong pa niya.Wala na akong magawa kundi ang sumang-ayon.Nagsusungit na naman kasi ang bodyguard ko.Bodyguard ko na ako pa ang natatakot kapag tinupak ito.Baliktad yata.

Inirapan ko na lang siya at ipinukol ang paningin sa labas.Madilim na pala.Gabi na.

"Bakit kasi hindi na lang kumuha ng hotel doon.Pinilit pa talagang umuwi." Pabulong na reklamo niya gayung hagip na hagip naman ng pandinig ko.

Galing pa kasi kami ng Lucena,Quezon.Kaninang umaga kami nagpunta at gusto ko rin na makauwi kaagad.Kaya hindi na ako nagkuha ng hotel pa.

"Kuripot kasi." Dugtong pa nito.Pero di ko na siya pinansin.Maiinis lang ako.

Nasa Batangas na kami ngayon at pauwi na ng Manila.'Di ko akalain na ganoon pala katagal na i-discuss sa akin ng Architect at ng manager ko sa company ng Land and Subdivision properties ang planong pagpapatayo ng bagong subdivision doon sa Lucena.

Tama.Lumaki kasi ang kinikita ng kompanya na iyon.Kaya isa na namang property namin ang ipinatayo.Halos yearly yata ay mayroon kaming panibagong subdivision na pinapatayo kahit pa hindi ako ang nagmamanage.Siyempre,ang lahat ng iyon ay dumadaan din sa kamay ko.Kaya hindi pwedeng ang manager ko lang ang magpa-plano.Although magaling at mapagkatiwalaan ko naman si Mrs.Herrera.

Nang mapansin ni Mico na hindi na ako umimi,hindi na siya nangulit pa.

Mayamaya pa ay huminto kami sa isang fast food dito sa bayan na nasasakop pa ng Batangas.Gutom na kasi ako at past six na rin ng gabi.

Saglit lang kami ni Mico na kumain dahil nga fastfood lang naman ang kinainan namin.Hindi pa rin kami nag-uusap ng normal.Kung may itatanong ang isa sa amin,saka lang kami magsasalita.

"Bakit kaya napaka-dilim naman yata?" Hindi ko napansin na naibulalas ko pala 'yon.

"Malamang dahil gabi Miss V." Pamimilosopo niya sa akin.

Kaya ko lang naman nasabi iyon kasi parang 'di naman normal ang kadiliman eh.Parang 'yon bang masama ang panahon.

"Seryoso ako Mico." Inis kong sita sa kanya.

"Masama yata ang panahon." Anito at saka tumingin din sa kalangitan mula dito sa loob ng kotse.

"Hala Mico.Bilisan mo kaya ang pag-drive.Baka maabutan pa tayo ng bagyo dito sa daan." Utos ko sa kanya.Kaya,pinaharurot niya na ang kotse ng 'di man lang ako inabisuhan.

Napansin ko rin na wala ng gaanong sasakyan sa lugar na ito.At dahil madilim ang labas,hindi ko na makita kung saang lugar na kami.May isang ilaw naman sa poste pero dinaig pa nito ang firefly na aandap-andap.

Pagkuwa'y,may narinig akong tunog na parang galing sa kotse namin.

"Shit!" Mahinang pagmumura ni Mico.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon