Viola's POV
"Iha." Marahang tapik ang naramdaman ko.Kaya agad akong napa-balikwas at tiningnan ang oras.
"Shit.I'm late." Inis na usal ko nang makita ko ang oras.Past eight in the morning na.Nakatulog pala ako ng mahimbing. "Bakit 'di mo ako ginising ng maaga Nana Caridad?Alam mo namang ayaw kong ma-late eh." May halong panunumbat na tanong ko sa babaing ito na tumapik kanina sa akin.Kumamot pa ako sa ulo ko.
Si Nana Caridad ay isa sa mga taong nag-aalaga sa akin noong nawala ang mga magulang ko.Siya ang kasambahay na pinagkakatiwalaan ng parents ko noon.At hanggang ngayon,dala-dala ko pa iyon.
Siya lang din ang may karapatan o lakas ng loob na sitahin ako sa mga maling ginagawa ko,pumasok dito sa kwarto ko at higit sa lahat siya lang ang may lakas ng loob na pangaralan ako.Kung minsan sinusunod ko siya.Pero madalas,desisyon ko ang nasusunod.Malapit din ang loob ko sa kanya.Kahit pa-paano,mahal ko ang matandang ito na fifty five years old na ang edad.
"Iha,ngayon ka lang nakatulog ng mahimbing.Kaya hinayaan na kita.At isa pa,ano naman kong ma-late ka?Boss ka naman doon." Nakangiting sagot niya.
Inis akong tumayo at saka nagsalita. "Kahit na.Gusto kong ako ang mauuna sa office para magiging ihimplo ako ng mga employee ko.At ma-check ko ang mga kailangang ayusin na mga problema."
"Tsk!Bigyan mo rin ng pahinga ang sarili mo iha.'Wag puro trabaho.Masyado mo nang napalago ang negosyo niyo.Sapat na 'yon.Masaya na parents mo sa pagiging successful mo." Panenermon niya sa akin.
"Maliligo na ako Nana." Pag-iiba ko ng usapan.At agad na naglakad papuntang banyo.Alam ko kasi uuwi na naman ito sa panenermon ang usapan namin.Ipinag-pilitan niya kasi na sana kahit minsan daw, bigyan ko naman ng time ang sarili.Pero hindi ko kayang ibigay yan sa sarili ko hangga't hindi ko pa naibigay ang nararapat na hustisya sa mga magulang ko.
"Violet." Tawag niya sa akin nang akma ko ng ipipihit ang door knob ng banyo.
"It's Viola." Inis na correction ko.Ayaw ko sa lahat ay ang tawagin ako sa totoong pangalan ko.Ayaw na ayaw ko 'yon.'Di ko nga alam sa mga parents ko kung bakit yan ang ipinangalan sa akin.
"Okay,okay." Itinaas pa niya ang dalawa niyang kamay. "Viola,may bisita ka sa baba kaya kita ginising."
Napakunot ang noo ko.Sino naman kaya 'yon?
"At gwapo siya.Kanina pang maaga 'yon.'Di lang kita ginising agad." Nanunudyo ang mga ngiti niya.Lalo akong napakunot-noo.Wala naman kasi akong bisita eh.At saka lalaki?
"Are you kidding me Nana?" Napipikon kong tanong.
"Uy anak ha.May manliligaw ka pala eh." Tudyo niya sa akin sabay kindat.
"It's not funny Nana." Nakasimangot kong saad.Agad siyang sumeryoso nang mapansin niyang naka-busangot na ako.
"Si Mico Aragon daw siya.Bagong hired mong bodyguard.Bakit naisipan mong kumuha iha?" Sumilay sa mukha niya ang pagka-bahala.Malamang na naghihinala na ito na mayroong hindi magandang kaganapan.Kilala ako ni Nana.'Di ako basta-basta gagawa ng isang desisyon nang ganun lang ka-bilis.
Oo nga pala.Nawala sa isip ko ang magiging bodyguard ko.Pinatawagan ko pala siya kahapon sa kay Wendy na magreport ng maaga ngayon.At dito na siya di-deretso sa bahay ko.
"Just for my protection Nana." Maiksing sagot ko at agad na pumasok sa banyo. "Pakisabi na maghintay siya.Maliligo pa ako!" Pahabol pang sigaw ko sa kanya.
"Okay.Sabihin ko sa gwapo mong bodyguard!" Medyo nilandian pa niya ang kanyang tono.Narinig ko din ang pagtawa niya ng malakas.Si Nana talaga parang bagets pa kung kiligin.
BINABASA MO ANG
My Bodyguard Is My...What?! (Completed)
ChickLitPaano kung matuklasan mo na ang kinuha mong bodyguard ay may malaking bahagi ng pagkatao mo?Ano ang gagawin mo? Magagalit ka ba? Kasusuklaman mo ba siya? Pagtatabuyan mo ba siya? O mamahalin mo siya sa kabila ng lahat? Sino at ano nga ba ang pagkata...