Viola's POV
"Violet?!" Dinig kong boses ni Mico na nasa pintuan pa siya.Napaigtad pa nga ako eh.Parang isang magnanakaw lang ako na takot mahuli.
Mabilis kong isinara ang kanyang laptop at pasimpleng itinulak ito para 'di niya mahalata.
"Nandito ka pala sa kwarto ko?" Nakangiti niyang tanong sa akin.
"Ah...kasi...ano Mico..." Shit!Nauutal ako. "....hinahanap kita." Sabi ko habang humaharap sa kanya.
Sinalubong ko siya at ako na ang kusang humalik sa kanya para ma-divert ang atensiyon niya dito.Pero wrong move ako dahil natangay ako sa halik niyang nakakalunod.
"Dinner ka na hon." Saad niya kaagad ng ipaghiwalay niya ang mga labi namin.
"Ayaw mo akong masolo?" Mapanuksong bulong ko sa kanya.
"Of course,I want hon.Gustong-gusto.Kaso,.." Hinalikan niya ako sa noo. "....nasa kwarto tayo.Baka 'di ko matantiya ang sarili ko." Sagot niya rin sa akin.
Pinisil ko na lang siya sa baba at naglakad na palabas na sinabayan niya naman ako.Naka-akbay pa ito sa akin.
"Mico!" Saway ko sa kanya habang tinatanggal ang braso niya sa balikat ko. "Baka makita tayo ng mga kasambahay." Pagpapatuloy ko.
"Bakit,ayaw mo hon?" Malungkot na tanong niya.
"Hindi naman sa ayaw." Ani ko.Bumuntong-hininga ako at sakat hinarap siya. "'Di ba pinag-usapan na natin ito?'Wag muna ngayon ha." Ngumiti pa ako sa kanya para mawala ang kalungkutan niya.Parang bibigay na kasi ako sa kanya eh.
"Sorry Violet." Anito. "Kung 'yan ang makapag-pasaya sa iyo,gagawin ko.Titiisin ko."
Nagpatuloy na kami sa pagbaba ng hagdan at siya naman ay nakasunod lang sa akin.
Habang kumakain,hindi maiwaglit sa isipan ko ang nakita ko sa larawan na iyon.
Gusto kong prangkahin si Mico nang dahil sa mga natuklasan ko.Gusto kong mapaamin siya Gusto kong sabihin niya sa akin ang lahat-lahat.Pero nangingibabaw ang takot ko sa maaaring malaman ko.Mas pinili ko na lang ang 'wag siyang sumabatan kasi baka masaktan lang ako.
Kailan pa ako naging duwag?Siguro ngayon lang.Kay Mico lang.Mahal ko kasi siya.At hanggang ngayon,kahit ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin,nandito pa rin ang pangangamba ko sa puso.Iniisip ko pa lang na ginagamit lang ako ni Mico o may masama siyang hangarin sa akin ay nadudurog na ang puso ko.At iyon ang 'di ko maaring payagan.
Ako si Violet Fernandez. Ang babaing matapang at nakukuha ang gusto.Walang gustuhin ko na hindi ko makukuha.
Si Tito Diosdado?Bakit hindi ko siya naisip.Bakit ngayon ko lang siya ulit naalala nang dahil sa picture na iyon ni Mico.Bakit bigla siyang naging stepfather niya?
Flashback
"Pañero,kamusta?" Tinapik niya ang balikat ng lalaki na tumawag kay daddy.
"Oh pañero,great.I'm good!How about you? How was your vacation? How's Spain?" Nakangiting sunud-sunod na tanong ng daddy ko rito.
"Great too.Still Spain and it still the place that we love." Sagot nito sa tanong ng daddy ko.Pakiwari ko ay may dugo din itong Spanish.Ang accent niya kasi sa pagsasalita ay Spanish.
BINABASA MO ANG
My Bodyguard Is My...What?! (Completed)
ChickLitPaano kung matuklasan mo na ang kinuha mong bodyguard ay may malaking bahagi ng pagkatao mo?Ano ang gagawin mo? Magagalit ka ba? Kasusuklaman mo ba siya? Pagtatabuyan mo ba siya? O mamahalin mo siya sa kabila ng lahat? Sino at ano nga ba ang pagkata...