Chapter 3

3.4K 116 12
                                    

Chapter 3: Ticket to his heart




I shrieked when the ball went inside the ring. Pumasok ang three point shot ni Dylan! Pasok na sila sa quarter finals!

"Bakla! Nakita mo yon? Pumasok ang three points ng baby ko! Ang galing niya talaga!" Impit pa kong tumili habang inaalog ang kaibigan at katrabaho ko sa coffee shop na si Tia.

"Aray ko naman, bakla! Makaalog ka wagas!"

Tumili ulit ako. "Ang galing talaga niya!"

"Maghunus-dili ka, te! Nakakahiya sa mga customers."

Wala akong paki kahit pagtinginan pa ko ng mga customers. Basta masaya ako dahil pasok na sa quarter finals sina Dylan. Nangangarap na nangalumbaba ako sa counter.

"Kailan ko kaya siya ulit mapapanood maglaro ng personal?"

"Alam mo, ikaw gaga ka rin eh."

"At bakit naman, Santiago?"

"Aray ko!" Eksaheradang humawak pa siya sa dibdib niya. " Ang bastos ng bibig mong babae ka."

Tinawanan ko lang siya. Ayaw na ayaw niyang tinatawag sa totoong pangalan.

"Bakit ba? Santiago naman talaga ang pangalan mo. May pa- Tia-Tia ka pang nalalaman diyan."

Tumikwas ang mga daliri niya. "Hoy babae, I'm too beautiful for that mashanot name no! Eeew! At pwede ba, ang alam ko iniwan ko sa probinsiya ang tatay ko!"

"Ewan ko sayo!"

"Pero seryoso, te." Dinunggol pa niya ako sa balikat. "Ang babaw ng pangarap mo."

Napaingos ako. "At bakit naman?"

"Kung mangangarap ka na rin lang, aba! Itinaas mo na te! Siya na mismo ang hilingin mo. Lubusin mo na, syonga!"

Napangiti ako ng may tunog at napailing-iling.

"Tia, hindi ako ganon ka ilusyunada. Bukas ang mga mata ko sa reality ng life. Ang tulad niyang mayaman, gwapo, at sikat ay di papansinin ang tulad kong... ganito lang."

Umismid siya. "Ay bongga ka, te! Bongga ka sa ka-negahan! Ano to, teleserye lang ang peg? Heavelu siya at lupey ka?"

Ngumisi lang ako.

"Sandy!"

I know that voice. "Jill! Napadaan ka? Si Raigne?"

"Raigne has a date with Inaki. And I just dropped by to tell you na gigimik tayo tonight. Oh, hello Tia!"

"Hello pretty lady like me!"

"We're going out tonight. Sama ka, Tia!"

"I would love to but I can't. Birthday ng kapatid ko."

"Sayang."

"Oo nga. Next time na lang. O siya iwan ko muna kayo."

"Uhm, Jill." Bumaling siya sa akin. "Ano kasi-"

Jill raised her hand even before I could finish my sentence. "I know what you're going to say. Wala kang budget?" I grimaced. "Kami ng bahala ni Raigne sa lahat. All you have to do is show up."

"But-"

"Nahihiya ka sa amin?" Napakamot ako sa noo.

"Masyado ng mahaba ang listahan ko ng utang sa inyo."

She rolled her eyes. "You and your imaginary list! Raigne and I don't care about that list of yours, okay? For the record, wala kang utang sa amin."

The Ruthless GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon