Chapter 22: "Deep down you already know the truth, you're just in denial."
I sighed as I looked at my phone. Dalawang araw ko ng iniiwasan si Dylan. Malaki pa ang tampo ko sa kanya kaya ayoko pa siyang kausapin. Bumalik siya kinagabihan para ipagluto ako pero hindi ako bumaba at nagkunwaring tulog.
Maaga akong nag out dahil alam kong susunduin niya ako. Dumiretso ako sa mall kung saan ako nakipag-meet kay Tia. Inilibre ko na lang siya ng dinner at nag-starbucks kami after.
"Ano pa ba kasi ang ipinagtatampo mo kay papa D?"
Nalukot ang mukha ko ng marinig ang itinawag niya kay Dylan. It reminded of Addie. Iyon din ang tawag niya sa boyfriend ko.
"Basta lang."
"Ano, naging adik ka ne, te? Basta ka na lang nagtatampo ng walang dahilan?"
Napaingos ako. "Sapakin kaya kita diyan, Santiago? Siyempre may dahilan."
"Maryosep, te! Anong petsa na, hanggang ngayon Santiago pa rin ang tawag mo sa akin? Nakakahiiya! Professional na tayo."
Inungusan ko lang siya. "Arte mo talaga."
He sighed. "Ispluk mo na yung problema. Ano ba yon? Kanina pa ako nagpapaka-clown sayo. Pagod ang beauty ko, te. Sabihin mo na."
Alam ko naman na ramdam niyang may problema ako kaya kanina pa niya ako nililibang. I sighed and told her about Addie.
"May reason naman pala, te, kaya siya yung nagdala sa hospital. Try mo kayang lawakan yung mind mo?"
Nangalumbaba ako. "Ako ba talaga yung may problema o.. may problema talaga kami?"
"Huh?"
I breathed out harshly, combed my fingers through my hair in frustration. "Alam mo naman na sobrang naging busy ako sa work diba? Pati sa gig ko."
"O? Diba, naiintindihan naman iyon ni papa Dylan? He has been nothing but very understanding of your situation kamo."
"That's the problem. He has been too understanding," I muttered.
Tia raised her brow. "Hindi ko ma-gets, bakla."
"He's too understanding, Tia. Wala siyang reklamo kahit nung na-miss ko yung mga importanteng laro niya. Kahit nung hindi kami nakapag-celebrate ng anniversary namin on time dahil sa trabaho ko, wala akong narinig na reklamo sa kanya. Sure, there were times na feeling ko nagtatampo na siya, pero wala siyang sinasabi."
He looked at me like I was weird. "Ayaw mo non? Very understanding yung boylet mo? Ang swerte mo nga eh."
"Nakakatakot yung pananahimik niya." Kumunot ang noo niya. "He's been bottling it all inside and it bothers me. Then this Addie came into the picture.. sana wala lang tong nararamdaman ko.. Sana mali ako.."
Pagkababa ko ng taxi ay napansin ko na agad ang sasakyan ni Dylan sa tapat ng apartment namin. Huminga ako ng malalim at pumasok na. Kaagad na nagsalubong ang mga mata namin. I didn't know what to say. For a few seconds, I just stood by the door, looking at him. Walang kibong tumayo siya at sinalubong ako ng yakap.
"I'm sorry, love."
I just closed my eyes and savored his warmth. "I missed you." Yumakap na lang ako ng mahigpit sa kanya.
He leaned down and planted a brief but deep kiss on my lips. "I love you."
I snaked my arms around his nape and pulled his head down to crush my lips against his. He lifted me up so I could encircle my legs around his waist then took me upstairs to my room, still kissing.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Game
RomanceI've always been a big fan of yours. You're loved by many, owned by no one. I've always known you were meant to be admired from afar, but never to have... You are a star, I'm an average Jane. You are a prince, I am no princess... It was okay. It wa...