Chapter 25

3.1K 68 43
                                    

Chapter 25: "In the end , they all drift away, even the ones who promised to stay."



I kept rummaging through my closet looking for a nice dress to wear later at Dylan's game. Mamaya ang unang game para sa conference na ito. Tia raised his eyebrow as she looked at my clothes on the bed.

"Ano, party ba ang pupuntahin natin mamaya?"

I rolled my eyes. "I have to look nice. You know that she'd be there later."

Tia made a face. "Sinetch? Yung Addie na naman? Diba sinabi naman ni papa Dylan na hindi niya bet yung girl na yon? At saka diba tinupad naman niya yung promise niya sayo na iiwasan niya yon."

I breathed out harshly and leaned my back against my closet. When I asked him if he liked Addie, he looked shocked and didn't know whether to laugh or be insulted. He told me that I shouldn't be jealous of Addie because she was just his friend and that he loves me. He even promised that he would avoid Addie if that would put my mind at ease. True to his words, he did. Hindi na siya sumasama sa mga lakad ng mga ka-teammate niya lalo na kapag kasama si Addie. 

"Alam ko. Pero siyempre.."

"Insecure ka?"

"Hindi  ah!"

He made a face. "Echosera!"

Sa huli ay isang simpleng white shirt, pants, at sneakers lang ang isinuot ko. Hindi ako dapat maging insecure kay Addie. Lalo na at iniiwasan na siya ni Dylan kahit hindi ko sinabi na gawin niya. Sumama na manood ng game sina Tia, Patty, at Jia. Dapat ay kasama rin sina Jill at Raigne kaso ay may mga biglaan silang lakad.

"Good luck, love."

He smiled and pecked my lips. "Thanks! I have a feeling that we'll win because you're here to watch our game." Ipinaikot niya ang braso sa beywang ko at hinapit ako palapit.

I chuckled. "Bolero ka talaga!"

Mayamaya ay tinawag na si Dylan kaya kinailangan na niya akong iwan. During the game, I cheered for him. Halos napaos ako sa kakahiyaw kapag nakaka-score siya. I realized I missed it a lot. Ang tagal kong hindi nakapanood ng game niya dahil sa sobrang abala ko sa trabaho at mga gigs ko. 

Pansin ko rin ang mga pagkakataon na pasimpleng umiiwas si Dylan kay Addie kapag lumalapit ang huli. He kept his promise and I should be happy but somehow I felt that I was caging him. I didn't ask him to avoid Addie, yes, but nevertheless he did because of me. I sighed.

"Girl, bakit mukha kang problematic diyan? Panalo na sigurado sina Dylan," said Patty.

Pinilit kong ngumiti. "Oo."

I was the happiest when they won the game. Kinantiyawan ng team ang coach nila na manlibre dahil naipanalo nila ang first game. Napapakamot sa ulo na pumayag siyang sagutin ang kalahati ng bill. Si Dylan naman ay inako ang balanse kaya tuwang tuwa ang lahat. 

"Mga isip bata, hinay hinay sa pag inom! May practice pa tayo bukas!" paalala ng coach dahil bumaha ang alak sa mga kanya kanyang table ng mga players. 

"Minsan lang ang libre, coach! Pagbigyan niyo na kami!" 

Naghiyawan pa ang iba sa pagsang-ayon kaya natatawang napailing na lang si coach at hinayaan na sila. Kasama namin ng mga kaibigan ko sa table sina GP, Art, at syempre si Dylan na pirming nakayakap ang isang braso sa beywang ko.

"Bigay todong maglaro si Dylan kanina kasi alam niyang nanonood ka," kantiyaw ni Art. I laughed while Dylan just smirked. "Si Addie pala nasaan? Kanino sumabay yon? Diba sayo usually sumasabay yon, Dy?"

The Ruthless GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon