Chapter 20

3K 66 9
                                    

Chapter 20: "There's going to be very painful moments in your life that will change your entire world in a matter of minutes."



"Congratulations, Sandy! Iba ka talaga, girl! Super impressed sina Mr. Torento sa presentation mo!"

I just smiled and thanked my co-workers. Sunud-sunod silang lumapit para batiin ako dahil na-approve ang idea ko at nagustuhan ng client namin.

"At dahil diyan, magpapa-pizza ako!" said Ms. Dizon, our manager.

Nag-ingay ang lahat sa saya. Nakangiting napailing lang ako at lumayo para tawagan si Dylan. I wanted to share the good news to him. He answered on the 7th ring.

(Love?)

Ngumiti ako. "Hi love! May good news ako! The client liked my presentation! I got the deal!"

(Oh. Congratulations.)

Bahagyang nabawasan ang ngiti ko sa kanyang reaksiyon. That wasn't the reaction I was expecting but I decided to just shrug it off. Inisip ko na lang na baka pagod siya. Lalo na ngayon na malapit na ang semi finals.

"Thank you. Anyway, dinner tayo, my treat! Kahit saan mo pa gusto, love!" I said cheerfully.

He cleared his throat. (Uh, love, can we just celebrate next time?)

Unti-unting nawala ang ngiti ko. "Oh. Uhm, oo nga pala. Busy siguro ngayon sa practice niyo. Sige, next time na lang, love."

(Yeah.) He breathed out. (Listen, I gotta go.)

"I'll see you later, love. Bye! I lo-" He had already hanged up. I sighed. "I love you, love."

Walang ganang inilapag ko ang cellphone ko sa mesa. I could feel there was something wrong, but I couldn't tell what it was.

"Sandy! Lika na dito. Madalang lang magpa-pizza si ma'am!"

Nag-grab na lang ako pauwi dahil wala naman sinabi si Dylan na susunduin niya ako. Isa pa, lately hindi na talaga niya ako naihahatid at nasusundo sa trabaho. At naiintindihan ko naman na busy din siya. Bumili muna ako ng food para kina Jia at Patty.

"Wow! May pa-food si madam! Anong meron?" tanong ni Patty habang tinitingnan na ang dala kong pagkain.

"Na-approve kasi yung presentation ko kaya yan."

"Sana laging ma-approve ang idea mo, bakla! Sarap naman nito," ani Jia.

Natawa na lang ako at umakyat muna sa taas para makapag-shower dahil nanlalagkit na ang pakiramdam ko. Bumaba ako ulit pagkatapos habang sinusubukan tawagan si Dylan.

"Uy, hindi ka ba kakain?" tanong ni Jia.

I shook my head. "Kumain na ako kanina." Nagsisimula na akong makaramdam ng iritasyon dahil sa hindi pagsagot ni Dylan sa tawag ko.

"Bakit nakasimangot ka diyan?"

Bumaling ako kay Patty. "Dylan is not answering his phone."

"Kamusta na pala siya? Buti hindi mo siya sinasamahan? For sure, masakit yung injury non."

Napakunot-noo ako sa narinig. "Ha? Anong injury? Anong sinasabi mo?"

Nagka-tinginan ang dalawa. Bakas ang pagtataka sa mukha nila. "Hindi mo ba alam?"



Halos lakad takbo na ang ginagawa ko. I couldn't understand why he didn't tell me about his injury! Kaya pala hindi niya ako sinusundo o pinupuntahan man lang. Hindi ko rin siya nabibisita dahil nga busy ako sa paghahanda sa presentation ko.

The Ruthless GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon