Chapter 8: Worth Keeping
I bit my nail as I was looking at my clothes on the bed. Kanina pa ako tapos maligo pero hindi ako makapili ng isusuot. Napansin ako ng bagong pasok na si Patty. Kakauwi lang niya buhat sa trabaho. Graveyard ang shift niya ngayon kaya umaga na siya umuuwi.
"Adik, anong ginagawa mo diyan?" tanong niya sabay higa sa kama.
Napabuga ako ng hangin at nakalabing tumingin sa kanya. "Wala akong maisuot."
She looked weirded out by what I had said. "Anong tawag mo sa mga yan?" sabi niyang ininguso ang mga damit ko na nakalatag sa kama.
"Luma na halos eh. Saka, ugh! Basta!"
She made a face. "Yung totoo, sino ba talaga ang walang tulog sa ating dalawa? Mas bangag ka yata sa akin eh."
I stomped my foot and walked towards her. Pabagsak akong umupo sa kama niya. "Patty! Wala talaga akong maisuot! Oras na pero wala akong mapili!"
Nagpa-side siya ng higa paharap sa akin. She propped herself up on her elbow. "Teka nga, may date ka 'no?"
My face heat up. "Basta! Tulungan mo na akong mamili."
She smirked. "Sino munang ka-date mo? Oh my gee! Si Dylan ba yan!"
"Basta!"
Tumatawang tinulungan niya akong mamili. I wore a simple dress. I just let my shoulder length hair down. Nagpulbo saka lipstick lang ako na nude.
"Ayan! Pak! Simplehan lang natin, te!"
"Okay na ba?"
I was spraying my perfume when I got a call from him. Medyo kinabahan pa ako ng makita ang pangalan niya. I took a deep breath then answered his call.
"Hi," I said.
(I'm outside.)
Nagmamadali na akong nagpaalam sa kanya. Nagpasalamat din ako kay Patty at tumakbo na palabas.
"Huy, 'wag kang tatakbo! Excited much, te?" biro pa ni Patty. I pouted. "Magkunwari ka naman na dalagang pilipina."
"Oo na!"
I cleared my throat then walked slowly. Pagkakita ko sa sasakyan niya ay kumabog na naman ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ako nate-tense. Nilagay ko ang kamay sa dibdib. Kalma, puso. Kalma lang.
Huminga ako ng malalim bago lumabas ng gate at lumapit sa sasakyan niya. Bago pa ako makalapit ay nakababa na siya ng sasakyan niya. He smiled at me then took my breath away as he pecked my cheek.
Medyo napatulala pa ako. Gusto kong magtitili sa kilig. I just bit my lower lip to prevent myself from doing so. Ayoko namang magmukhang tanga sa harap ng boyfriend ko. Shemay. Oo. Boyfriend. Hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko na siya! It's been a month a half since we became official. Pero wala pa ako ni isang sinabihan.
He was wearing shorts and polo. All I could think of was 'wow'. Para siyang modelo. Ang ganda niyang magdala ng damit. Naka-sunglasses din siya. Buti na lang pala ay nag-dress ako. Hindi na alanganin ang itsura ko sa porma niya. Pero mukha talaga siyang mamahalin.
"Let's go," he said as he held my elbow.
Inalalayan pa niya akong sumakay sa sasakyan niya. Lakas maka-girl ng pagtrato niya sa akin. Pagkasakay niya ay nanuot sa akin ang mabango niyang amoy. Hindi ko alam kung anong perfume niya. Pero ang sarap amuyin talaga.
May inabot siya buhat sa likod. To my surprise, it was a bouquet of red roses. My lips parted as he gave it to me.
"For me?"
BINABASA MO ANG
The Ruthless Game
RomanceI've always been a big fan of yours. You're loved by many, owned by no one. I've always known you were meant to be admired from afar, but never to have... You are a star, I'm an average Jane. You are a prince, I am no princess... It was okay. It wa...