Chapter 16

2.8K 68 3
                                    

Chapter 16: Without you, I'm incomplete



Natutuwa akong makita na kasundong-kasundo ni Dylan ang pamilya ko. Kahit galing siya sa mayamang pamilya ay marunong siyang makisama. Kanina lang ay tinulungan niyang magsibak ng kahoy si tatay. Ngayon naman ay kumakain siya ng tuyo kahit halatang hindi siya marunong.

"Love, akina." Ipinaghimay ko na siya dahil halata namang nahihirapan siya. 

"Thank you. This tastes really good."

Natawa sina nanay sa kanya. Isinama pa siya ni tatay sa bayan para daw maipakilala ang kanyang manugang sa mga kumpadre niya. Namula ang mukha ko ng sabihin ni tatay iyon sa harap ng boyfriend ko. Siya naman ay mukhang natuwa pa.

"Nak, yung mga kababata mo ay nandito," sabi ni nanay.

Kaagad akong lumabas ng kwarto at pinuntahan ang mga kababata ko. Biglang naging maingay sa bahay dahil medyo matagal na rin kaming hindi nagkita-kita. Pagdating ni Dylan ay ipinakilala ko siya sa mga kaibigan ko.

"Bago kayo bumalik ng Maynila, mag-swimming muna tayo sa resort sa kabilang bayan. Overnight lang," sabi ni Isay.

I turned to Dylan, he just shrugged his shoulders. Kinabukasan din ay pumunta kami sa resort. Isang villa ang kinuha namin na may tatlong kwarto. Dylan paid for everything. Ang akala ko ay magsasama-sama kami nina Chona at Isay sa isang kwarto pero hindi pala. Chona was with Gani, Isay with Nonoy, and I of course with Dylan. 

"Hala! ka-insecure naman ang katawan mo, Sandy!" said Chona. 

"Oo nga! Bagay sa'yo ang two piece na suot mo."

Ngumiti lang ako at sumama ng lumabas sa kanila. Naabutan pa namin si Dylan na nasa terrace at hinihintay ako. His face turned grim as his gaze moved down to my body. Pinauna ko na ang dalawa. 

"Go back and change," he said.

Kumapit ako sa braso niya. "Love naman."

"I said change." When I didn't move to do as he said, his forehead creased. "Do you want those men to feast their eyes on your body?" mariing tanong niya.

I grimaced and tucked the strands of my hair behind my ear awkwardly. "Hindi naman mahalay yung swim wear ko eh."

He didn't say anything, he just crossed his arms, and stared me down. Sinubukan kong hindi ma-intimidate sa kanya pero sa bandang huli ay sumuko din ako. Nag-rash guard na lang ako. Ilang beses ko pa siyang inirapan, but he just smirked. 



Nagngingitngit ako habang pinapanood si Dylan na napapalibutan ng mga babae na nagpapa-picture at autograph sa kanya. They were flirting with my man! Kainis! Ang daya niya! Ako bawal magsuot ng two piece pero siya ay half naked at nakalantad ang abs! 

"Hala ka. Lapitan mo na yung dyowa mo," tulak sa akin ni Chona. "Nako! Baka matukso yan. Puro mga litaw pa man din ang kaluluwa!"

"Oo nga! Ay nako! Nilalamutak na yata ang mga muscles!" segunda naman ni Isay.

I bit my lower lip, but I didn't do anything. Dylan is a celebrity and being surrounded with girls is part of it. But nevertheless, I couldn't help the jealousy I felt. Sino ba ang hindi magseselos kung puro magaganda at sexy ang mga nakapalibot sa kanya? Mga mukhang may kaya pa sa buhay. Anong laban ko sa kanila?

Kinagabihan ay tahimik lang ako habang nagku-kwentuhan kami sa may sala. Ang mga lalaki ay umiinom ng alak. Basketball ang usapan dahil parehong fan ni Dylan sina Nonoy at Gani.

The Ruthless GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon