Chapter 9: Consistency
I checked the time. Shoot. It was quarter to two in the morning. I yawned and stretched my arms. My body was aching. Bone-tired. Katatapos lang ng party at kailangan pa namin magligpit. Isa ito sa mga raket ko. On call waitress sa isang restaurant. Tinatawag ako kapag may catering.
"Sandy, kaya pa?" tanong sa akin ni kuya Nato. Isa rin siyang waiter. Pero regular siya. Hindi tulad ko na on-call lang.
Ngumiti ako kahit pagod. "Kaya pa, kuya!"
Mabilis akong tumulong sa pagliligpit para kaagad kaming matapos. Maagad pa ang klase ko bukas. May exam kami bukas kaya hindi ako pwedeng mag-absent. Yung professor ko pa man din ay masungit at mahigpit. Hindi siya nagbibigay ng special exam.
"Sandy," si Candy. Tulad ko ay on call din siya. "Uy, kaloka ka. Nag-pasundo ka pa talaga sa boyfriend mo."
My forehead creased. "Huh? Hindi ako nagpasundo. Natutulog na sigurado yon. Maagad yung call time nila bukas. Baka iba yung nakita mo," sabi ko habang patuloy sa pagliligpit.
"Hindi. Sigurado ako siya yon. SUV sasakyan ng boyfriend mo, diba?"
Napatigil ako. "Sigurado ka ba?"
"Oo." Sinabi pa niya ang plate number.
My lips parted. "Sa kanya nga yon."
"Mauna ka na kayang umuwi? Kanina pa yata siya naghihintay sa labas."
"Huh? Hindi pa tayo tapos."
"Sige na, Sandy. Mauna ka na sa amin," sabi ni kuya Nato. Narinig niya rin ang sinabi ni Candy. "Isasakay na lang naman sa van itong mga gamit. Sige na. Kawawa naman yung tao kung kanina pa siya naghihintay."
Nagpasalamat ako at mabilis na kinuha ang mga gamit. Kanina ay tinanong niya ang address ng bahay kung saan party. Pero wala siyang sinabi na susunduin ako. Nakita ko agad ang Maserati Levante niya. Mabilis akong lumapit. Paglapit ko ay bumukas na agad ang pinto.
Ngumiti siya ng tipid. Halata sa mga mata niya ang antok. "Are you done?" he asked.
"Oo. Bakit sinundo mo pa ako?" tanong ko habang pasakay.
Imbes na sumagot ay dumukwang siya at dinampian ako ng halik sa labi. Siya pa ang naglagay ng seatbelt sa akin.
"Tired?" he asked as he touched my head.
Tumango ako. "Love, maaga ang call time niyo bukas, diba? Hindi mo na dapat ako sinundo," nahihiyang sabi ko.
"Hindi kita matiis. Besides, I'm worried. Ganitong oras ka umuuwi. It's not safe," he responded as he drove off.
"May mga kasabay naman akong uuwi. Napuyat ka pa tuloy."
He just gave me a tired smile. "You have an early class tomorrow. You should sleep. I'll just wake you up when we get to your place."
Naglalambing na niyakap ko siya sa side kahit nagmamaneho siya. "Thank you, love."
Hindi na ako naiilang na maglambing sa kanya. Lagpas isang taon na rin naman ang relasyon namin. Nung bago kami ay ni hindi ko magawang magkusa na humawak sa kamay niya. Pero ngayon ay sobrang clingy ko pa sa kanya. Pero mas malambing siya kesa sa akin. Lagi siyang nakayakap, nakahawak, at nakahalik sa akin.
"You're always welcome, love."
Ngumiti ako at hinigpitan ang yakap sa kanya bago ako kumawala. Wala sana akong balak umidlip pero mabigat na ang talukap ng mga mata ko. Lalo akong inaantok sa mahinang musika sa loob ng sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Game
RomanceI've always been a big fan of yours. You're loved by many, owned by no one. I've always known you were meant to be admired from afar, but never to have... You are a star, I'm an average Jane. You are a prince, I am no princess... It was okay. It wa...