Chapter 21

2.5K 57 26
                                    

Chapter 21: The worst kind of feeling is knowing that your heart is about to get broken..



Pagod akong humiga sa kama at binuksan ang TV. Pangatlong araw ko na dito sa Cebu dahil sa trabaho. Kinailangan namin magpunta dito para sa isang importanteng kliyente. I felt so tired and drained. Napatingin ako sa phone ko ng tumunog iyon.

"Nay?"

(Anak, kamusta ka na diyan sa Cebu?)

Huminga ako ng malalim at bumangon para umupo ng maayos sa kama. "Ayos naman po, nay. Medyo pagod lang. Kamusta na po kayo diyan?"

(Ayos naman, nak. Salamat dun sa ipinadala mo ha? Pasensiya ka na at lagi na lang kami sayo lumalapit.)

"Nay naman. Pamilya po tayo. Nagkasya po ba iyon para sa baon ng mga kapatid ko saka sa projects nila? Kapag nakuha ko po iyong project na tinatrabaho ko, malaki po iyong maipapadala ko. Maipapagawa na po natin yung bubong natin."

(Ang swerte talaga namin sayo ng tatay mo, nak. Pero wag mo ng isipin yung sa bahay. Ako ng bahalang gumawa ng paraan doon.)

"Hindi po, nay. Ako po ang bahala doon."

I heard her sigh. (Salamat, anak. Huwag mong papabayaan ang sarili mo diyan. Si Dylan pala, kamusta na? Kailan kayo papasyal dito? Namimiss na siya ng mga kapatid mo.)

Lately, di na kami masyadong nakakapag-usap ni Dylan. Isang tawag sa isang araw na lang dahil madalas ay busy ako o kaya siya naman ang okupado sa pagpa-praktis. Nag-aalala ako na baka malaki na ang tampo niya sa akin, but whenever I asked him, he'd say he could understand. 

I changed the channel to basketball. It had been a long time since I last watched a game. Eksaktong paboritong team ko ang naglalaro. Bigla akong napatuwid ng upo ng mahagip ng camera si Dylan, and no, he wasn't alone. He was with Addie.

(Look partner, kasama din natin nanonood si Dylan at kasama pa niya si Addie.)

(Bagay sila ano, partner?)

Nanlalamig ang pakiramdam ko habang nakatingin sa dalawang tila may sariling mundo habang nagtatawanan. Huminga ako ng malalim at mabilis kong tinawagan si Dylan. Replay na lang ang pinapanood ko kaya sa oras na ito ay baka nasa bahay na siya. 

It just kept on ringing. I tried calling him again, and this time, he answered. (Love?)

He wasn't at home. Maingay ang background niya. "Where are you?"

(I'm at a bar with some of my friends.)

Huminga ako ng malalim. "Sinong mga kaibigan?"

Kilala ko naman halos lahat ng binanggit niya. Okay na sana kung hindi ko lang narinig ang isang pamilyar na boses.

(D, isang song naman diyan!)

My forehead creased. "Who's that, love?"

(It's Addie, love.)

"Ah. Kasama niyo siya? Akala ko puro boys lang?"

(Addie is one of the boys,) he answered chucking. Narinig ko rin ang tawanan ng iba sa sinabi niya.

"Ganon ba. Uh, kanina pa ba kayo diyan?"

(Maybe an hour?)

"Hanggang anong-"

(Dylan, bro, inunahan ka ng umakyat ni Addie sa stage! Samahan mo dun nakakahiya! Boses palaka pa naman iyon!) dinig kong sabi ng tumatawang si GP.

Dylan laughed. (Love, I gotta. I'll just call you tomorrow. You should rest now.)

"Y-yeah. Okay. I love-"

The Ruthless GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon