Chapter 11

2.6K 69 1
                                    

Chapter 11: A simple 'sorry'



Nalulungkot ako sa biglaang pag-alis nina Jia at Patty sa boarding house. Nakahanap daw kasi sila ng magandang apartment na swak sa budget nila. Isinasama nila ako kaya lang ay hindi kaya ng budget ko. They were willing to lend me money but I refused. Alam ko na kailangan din nila ang pera. 

Isa pa na nagpapabigat ng dibdib ko ay ang pagka-busy lagi ni Dylan sa phone niya. While I was at the library, he kept on calling. At first, I was ignoring his calls. Pero hindi ko siya matiis kaya sinagot ko din. Nasa labas na daw siya ng school.

Halos hindi ko siya pansinin habang nagbibiyahe kami. Pero nagtaka ako ng ibang direksiyon ang tinahak niya. Then he stopped in front of an apartment. Nagtatakang bumaling ako sa kanya.

"Sinong nakatira dito?"

He smiled. "Let's go."

Kibit balikat na sumunod na lang ako sa kanya. Pagpasok namin ay nagitla na lang ako ng may sabay-sabay na sumigaw ng 'surprise'. Mas nagulat ako ng makita ang mga kaibigan ko. May banner pa na 'welcome home'. 

"W-what's this?"

"Ay te! Slow!" said Tia.

"Welcome home, Sandy!" magkasabay na sabi ni Jia at Patty.

"T-teka, wala akong pang down sa ganito!" 

Nagtawanan sila. Hinila ako ni Patty. "Te, okay na yung three months rent. 'wag mo ng problemahin iyon!"

"Pero-"

"Wala ng pero-pero! Basta magkakasama-sama na tayong tatlo dito! Besides, we've brought all your stuff here. Nasabi na rin namin sa landlady na hindi ka na babalik sa boarding house."

Naiiyak na niyakap ko silang tatlo. "Thank you sa inyo."

Tumingin ako kay Dylan. He was smiling at me. Maya-maya ay nagkayayaan ng kumain. Namangha ako dahil ang dami nilang inihandang pagkain. At masasarap pa talaga. Ikinuha ko muna ng pagkain si Dylan. 

"Okay na ba yan, love?"

Iniyakap niya ang isang braso sa beywang ko. "Let's just share."

Iniupo niya ako sa kanyang kandungan. Inilabot ko ang tingin sa apartment. Pakiramdam ko talaga ay mahal ito. Pero kahit anong tanong ko sa dalawa ay ayaw sagutin ang tanong ko. Napatingin kami kay Tia ng pabagsak niyang inilapag sa mesa ang baso. Nakataas din ang kilay niya.

"Anong problema mo, bakla?" tanong ko.

"Kaimbyerna! Nang-iinggit ba kayong dalawa? Edi wow! Kayo na ang may love life! Kayo na ang masaya! Kayo na ang may kasubuan! Ayoko na!"

Tumatawang binato ko siya ng nilamukos na tissue. "Ang drama mo, Santiago!"

"Inaano ka ba ng pangalan ko ha? Sa'yo na lang, gusto mo?"

Lalo ko siyang ininggit. Niyakap ko pa si Dylan at idinikit ang pisngi sa pisngi niya. Nag-drama na naman tuloy ang bakla. Tawa kami ng tawa sa kalokohan niya. Muli kong inungkat ang tungkol sa bayarin sa apartment. 

"Te, wag mo ng problemahin iyon," said Patty.

"Oo nga. Pinagbayad ka na ni Dyla-" 

"Jia!"

Biglang napatakip sa bibig si Jia sabay hingi ng 'sorry'. Unti-unting nawala ang ngiti ko at bumaling kay Dylan na seryoso ang mukhang nakatingin sa akin.



Naiwan kaming dalawa ni Dylan sa apartment. Biglang nagkayayaan ang tatlo na bumili ng ice cream. I knew they were just giving us time to talk. Magkatabi kaming nakaupo sa couch. Parehong tahimik lang.

The Ruthless GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon