Chapter 26

3K 86 52
                                    

Chapter 26: "Every day I lost myself inside his world. Every day he lost himself inside someone else's."



"Uy, hello panda!" nakangising pang-aasar ni Patty pagkababa ko ng hagdanan. "Ano, di ka natulog dahil sa kapraningan mo?"

Isinuklay ko ang mga daliri sa buhok at umupo. "Good morning din," sarkastikong balik ko sabay kuha ng tinapay at subo.

"Bakit naman kasi hindi ka naki-join dun sa dinner nina Dylan at nung mudrakels niya?" tanong ni Jia.

I sighed. "Alam niyo naman na allergic sa akin yung mama ni Dylan."

Idinahilan ko na lang kay Dylan na masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako sumama. Alam ko naman din kasi na ayaw akong makita ng mama niya. Habang naliligo ako ay ipinaalam sa akin ni Patty na nasa ibaba si Dylan kaya minadali ko ang paliligo.

"Love." Lumapit ako at pinatakan siya ng halik sa labi. Iniupo naman niya ako sa tabi niya sabay hapit sa akin palapit sa katawan niya. "So, how was the dinner?"

"It was fine." 

Kinuha niya ang kamay ko at nilaro ang mga daliri ko. "Hmm.. si Addie kamusta?" I asked, looking at his face.

"She's okay."

"Nakapag-usap kayo?" 

"Yeah."

I cleared my throat. "About what?"

He looked at me. "Just the usual stuff."

I tried to get more information of what happened last night but he was so evasive which made me more alarmed. He spent the rest of the day with me and was extra sweet with me. Natural siyang malambing pero mas sweet siya ngayon sa akin. Lagi siyang nakayakap at nakahalik.

"Ano ba yan. Nakakaiyak talaga ang scene na yan. Kawawa si Maja diyan," naiiyak na komento ko habang nanonood kami ng One more chance. "Ang sakit siguro para sa kanya na itanong kung mahal pa ba ni Popoy si Basha. Masakit iyon no, love?" baling ko sa kanya.

Hinigpitan niya ang yakap sa akin. Nakahiga kami sa couch habang nanonood. Pilit ko siyang nilinga pero seryoso lang ang mukha niyang nakatitig sa TV pero parang wala naman doon ang atensiyon niya.

"Love?" He blinked twice then turned to look at me. Hinaplos ko ang pisngi niya. "Okay ka lang ba, love?"

He gave me a small smile and kissed my lips. "I'm fine. What were you saying again?"

Tinitigan ko ang mukha niya. He wasn't himself. He seemed bothered by something and somehow I was scared to ask the reason behind it. 

I just shook my head and hugged his arms which were wrapped around me. "Wala," I said above whisper.

Funny, but more often than not 'nothing' means actually a lot.



Nagmadali akong nag-ayos at naglagay ng make up dahil kanina pa naghihintay si Dylan sa ibaba. Kakwentuhan naman niya sina Patty at Jia na sasama sa amin sa gig ko pero ayoko siyang paghintayin ng matagal. 

"I'm done! Let's go!" 

Kaagad na pumaikot sa beywang ko ang braso ni Dylan. Ipinagbukas pa niya ako ng pinto at inalalayan makasakay. Siya pa ang naglagay ng seatbelt ko. 

I smiled. "Thanks, love."

He smirked and winked at me. I giggled. Hindi pa rin siya pumapalyang pakiligin ako. Habang nagmamaneho ay hawak hawak pa niya ang kamay ko.

The Ruthless GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon