Chapter 12: I want YOU
Tatlong oras na kaming nagbi-biyahe ni Dylan pero mukhang malayo pa kami sa probinsiya nina Tia. Nangangalay na rin ako sa tagal ng pagkakaupo ko, I looked at Dylan. Isang kamay lang ang nakahawak sa manibela. Habang ang isa ay nakahawak sa ulo habang nakatukod sa may bintana.
I smiled and took a picture of him without him noticing. Napasulyap siya sa akin. He raised his brow. Bumungisngis lang ako. Tipid lang siyang ngumiti at ibinalik ang tingin sa daan.
"Love, gutom ka na?"
"No. Are you?"
"Hindi pa naman. Pero dala ko iyong bigay mo na chocolate sa akin." Inilabas ko ang iyon mula sa bag ko at binuksan. Kaagad ko iyong inilapit sa bibig niya. He took a bite. "Malayo pa ba tayo?"
"We're almost there," he answered as he rested his hand on my thigh.
Ipinatong ko ang kamay sa kamay niya at kumain na lang ng chocolate. Hindi pa ako nakakapunta sa bayan nina Tia kaya hindi ko alam kung saan ang bahay nila. Tinawagan ko pa siya para itanong ang direksiyon.
"Papa Dylan!" tili ni Tia pagkababa namin ng SUV. Didiretso pa sana siya kay Dylan para yumakap pero humarang ako agad.
"Ano yan, bakla? Anong balak mo?"
Tumawa siya at niyakap na lang ako. "Naligaw lang, te! Ikaw talaga ang yayakapin ko eh! Sarap mong sakalin! Malapit na eh. Humarang ka pa!"
"May sinasabi ka?"
"Ay wala! Sabi ko na-miss kita!"
Natawa na lang kami ni Dylan. Magku-kwentuhan pa sana kami kung hindi lang namin nakita ang tatay ni Tia. May hawak itong manok.
"Santiago! Bakit hindi mo papasukin sa bahay ang mga bisita mo."
Napangiwi si Tia. "Tay naman! Tia po! Tia, tay!"
"Ano?"
"Wala po! Sabi ko lang po papasok na kami." Tatawang ako habang sumusunod kami sa kanya. "Tawa ka pa diyan! Yan ang gusto mo e."
"Hindi naman. Slight lang."
Inungusan niya ako. "Tse."
Kahit simple ay maayos at malinis ang bahay nina Tia. Mababait at maasikaso ang mga magulang niya na parehong komikero. At halatang tanggap naman nila ang gender preference ng kanilang anak.
Kinagabihan ay nagpunta kami sa bayan para maglibot dahil masaya daw doon at maraming tao lalo na at bukas na ang kapistahan. Ang dami rin mga stalls na nagtitinda ng pagkain. Hinila ko agad si Dylan sa may isawan.
"Love, try natin 'to."
"What's that?" he asked with a knotted forehead.
"Isaw. Masarap 'to!"
"Te, hindi pa yata nakakakain ng ganyan ang dyowa mo. Lukaret ka baka sumakit ang tiyan niyan."
Napanguso ako at alanganin tiningnan si Dylan na blangko lang ang mukhang nakatingin din sa akin. Baka nga sumakit ang tiyan niya.
"Ayaw mong i-try, love?"
Inayos niya ang kanyang Nike cap. "It's fine."
Napangiti ako at bumili ako agad para sa amin. Sinubuan ko si Dylan at tiningnan ang reaksiyon niya. Tumango-tango siya.
"It tastes just fine."
"Masarap kaya," nakaingos na kontra ko.
He just smirked. Habang kumakain kami ay lumapit na grupo ng mga kalalakihan sa amin at nahihiya pang nagtanong kung pwede silang magpa-picture kasama si Dylan. Apparently, they were a fan of his. Pati mga babae ay lumapit na rin. Kaya pala kanina pa nila sinisipat-sipat si Dylan dahil nakilala nila. Mabilis na kaming umalis daoon dahil may mga lumalapit pa.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Game
RomanceI've always been a big fan of yours. You're loved by many, owned by no one. I've always known you were meant to be admired from afar, but never to have... You are a star, I'm an average Jane. You are a prince, I am no princess... It was okay. It wa...