Chapter 6: Sweet dream
I felt so awkward. Kanina pa siya nakatitig sa akin tapos ay bigla na lang napapangiti. Mukha ba akong nakakatawa? Have I somehow turned into a clown in his eyes? We were in a fine dining restaurant having dinner. I didn't want to but he wouldn't take no for an answer.
I cleared my throat. "Bakit?"
He raised his brow. "Hmm?"
"Bakit ka nakatitig sa akin? M-may dumi ba ako sa mukha?"
Ngumiti siya ng may tunog at umiling. "No. Don't you remember what happened the other night?"
"T-the other night?" Yung may karay ba siyang ka-date na pabebe ang sinasabi niya? Tandang-tanda ko kaya iyon! "Yes."
There's that smirk of his again. "All?"
Napaisip ako. "Ano ba iyon?"
He shook his head smiling. "Nothing. Finish your meal."
Was he in a hurry? Nakaramdam ako ng dismaya pero hindi ko na lang ipinahalata. Akala ko matagal ko pa siyang makakasama. Pero mukhang may iba pa siyang lakad. Binilisan ko na lang ang pagkain kahit parang nawalan na ako ng gana.
"Uhm, Dylan, huwag mo na akong ihatid. Magta-taxi na lang ako," sabi ko ng makalabas na kami ng restaurant.
His forehead creased. "No, I'll take you home."
I shook my head. "Huwag na. Mukhang may lakad ka pa. Sige na. May taxi naman dito." Hindi siya kumibo. Basta na lang niya hinawakan ang kamay ko at inakay ako papunta sa parking lot. "Ah t-teka."
He pressed the remote of his car, then opened the passenger door. "Get in."
"Hindi na talaga. Abala pa a-"
"I will take you home."
"Pero mukhang may lakad ka pa eh. Saka ma-"
"Wala akong ibang lakad. Get in."
Hindi na ako nakipag-argumento dahil halata namang hindi siya papayag na hindi ako ihatid. Kaya sumakay na lang ako. "Sabi ko nga wala kang lakad at ihahatid mo ako eh. Matigas din talaga ang ulo ko minsan," I muttered.
"You're saying something?" he asked.
I flashed him a big smile. "Wala."
"Uhm, thank you sa pag-hatid. Ingat ka sa pag-uw-" Walang salitang bumaba siya ng sasakyan niya at pumunta sa may gawi ko. "Ang gentleman talaga. Ano ka ba, Dylan? Huwag ka naman masyadong pa-fall," I whispered to myself.
He opened my door. Inalalayan pa niya akong bumaba. Pakshit talaga. Ang lakas maka-prinsesa ng ginagawa niya! I cleared my throat and adjusted the straps of my bag.
"Good night, Sandy," he said looking straight into my eyes.
Bahagya akong nag-iwas ng tingin. Nakakapaso naman kasi siyang tumingin. "G-good night. Ingat sa pagda-drive."
He smiled and nodded. "I'll go ahead."
"S-sige."
My heart skipped a beat when he leaned down to give me a peck on the side of my lips. "Sweet dreams, Sandy."
Namumula ang mukhang natulala na lang ako sa kanya hanggang tumalikod na siya at sumakay sa sasakyan niya. Ramdam ko pa rin ang labi niya sa gilid ng labi ko. Pati ang pabango niyang gustong-gusto ko ay pakiramdam ko nakadikit na sa balat ko dahil naaamoy ko pa rin.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Game
RomanceI've always been a big fan of yours. You're loved by many, owned by no one. I've always known you were meant to be admired from afar, but never to have... You are a star, I'm an average Jane. You are a prince, I am no princess... It was okay. It wa...