Chapter 30

3.9K 119 86
                                    

Chapter 30: "That man has a piece of my soul. And right now, he's out there somewhere.. just walking around with it."



"Shit!" I muttered a curse as I almost tripped, trying to wear my heels. Kung kelan nagmamadali saka pa ako napapalpak! Kinuha ko na ang bag at patakbong lumabas ng kwarto. Kanina pa naghihintay si DJ sa akin at siguradong sesermunan na naman niya ako. 

"Hey Dwighty! Let's go!" 

DJ grimaced. Natawa ako ng malakas sa reaksiyon niya. Alam ko kung gaano niya kaayaw ang 'Dwighty' pero wala naman siyang magawa. Kahit anong bawal niya ay iyon pa rin ang madalas na itawag ko sa kanya. 

"God. When will you stop calling me that?" reklamo niya.

Ngumuso ako. "Para ka talagang si Santiago! Ang aarte niyo sa pangalan!"

He just rolled his eyes. "You give the most awful names, Sandz."

Tumawa lang ako at kumapit na sa braso niya. "Tara na! Excited na ako, Dwighty!"

"Saan ang punta niyo?" Patty, asked while holding a cup of coffee.

"Somewhere," I answered with a wink.

Napailing-iling siya. "Ikaw talaga kung saan-saan mo kinakaladkad si Atty. DJ."

"I think she has this crazy notion that I'm not swamped with work," DJ said, shaking his head.

Umingos ako. "Arte! Gusto mo rin naman na kinakaladkad kita kung saan saan. Tara na! Baka ma-traffic pa tayo." Hinila ko na siya paalis. "Bye Patty! Tigilan mo na yung coffee! Hindi ka na naman makakatulog niyan!"

Sinabi ko kay DJ ang address ng lugar na pupuntahan namin. "Where are we going anyway?" he asked.

"Luchie, my co-worker, told me about this cafe where they do spoken words."

Saglit niya akong binalingan na may bagyang kunot ng noo. "Spoken words? Seriously? You're into that now?"

"She told me it was nice. So I wanna check it out myself. Saka okay daw yung place. Cozy."

Hindi na lang siya kumibo. Kahit saan ko naman siya dalhin ay sasama pa rin naman siya. Pagdating namin ay marami ng tao. Kaagad ko na siyang hinila para makaupo na kami. Lumapit yung waiter at kinuha ang order namin.

"What do you want?"

"Bahala ka na. Pag-order mo na lang ako."

I got so excited when the person who'd do spoken words poetry was introduced. I heard he was really good though I hadn't heard any of his poetry before. 

"It's gonna start!" 

DJ just leaned against the chair, crossed his arms, and focused on the poetry. I was so excited, but the moment I heard the first few words, my smile vanished.



'Nung iniwan mo ako ng walang pasabi o pangako ng pagbabalik, umiyak ako buong gabi. Umiyak ako ng sobrang tindi; kinailangan kong ibilad sa araw ang unan ko kinabukasan. Ang sarap pala sa pakiramdam na patulugin ka ng sarili mong pag iyak. Naisip ko, hindi pinakuluang dahon ng bayabas, o alak, ang sagot sa ganitong klaseng sakit.'

'Luha ang pinaka-mabisang pang langgas sa sugat ng puso. Kaya inaraw-araw ko ito. Sinisimulan at tinatapos ko ang mga araw na binabalikan ang mga sugat na iniwan mo. Iniisa-isa ko ang mga alaala't hinahanap kung saan sila bumaon dito sa puso ko. Nakakatawa.'

The Ruthless GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon