SF 31

175 11 6
                                    

SF 31

Justine's P.O.V

Bumalik ako sa sasakyan ng hindi kasama si Hyul, pagpasok ko sa loob...

"Oh nasan na si Hyul? Bat hindi mo siya kasama??"

Tanong ni Sir Josh sakin..

"Nandun pa po sir, kinakausap pa yung babaeng natapilok kanina eh kaya nauna na po ako.."

Sagot ko..

"Ha? Sinong babae? Bat hindi mo nalang siya hinintay??"

Tanong niya ulit..

"Yung sinabi niya po kaninang tutulungan niya, mukhang matatagalan pa po eh kaya umalis na ko.."

Sagot ko naman..

"Ahh ganon ba.. Osige sige. Jake ikaw na nga lang ang tumawag kay Hyul, siguro naman tapos na silang mag-usap nung babaeng sinasabi nito ni Justine ngayon.. Bilisan mo na, para makapasok na tayo sa loob. Anong oras na eh."

Sabi ni Sir Josh kay Jake..

"Sige po sir.. Nandun parin ba sila sa tapat ng Kettle Korn Justine??"  ( Jake )

"Oo dre, nandun pa.."

Pagkasabi ko nun, dali-dali ng bumaba si Jake sa loob ng sasakyan para puntahan si Hyul.......


Rin's P.O.V

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Humihiling na sana sa pagdilat ko isang Hyul Lazaro parin ang makita ko, na sana siya parin yung nasa harapan ko..

At hindi ako nabigo, hindi ko akalaing matutupad ang kahilingan ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng makita kong nakatayo parin si Hyul sa harapan ko..

Nginitian niya ko tapos inoffer niya sakin yung kanang kamay niya, inabot ko naman agad ito..

Nang makatayo na ko, biglang may tumawag kay Hyul dahil don napalingon siya sa kaliwang likuran niya..

"Hyul! Halika na! Kanina ka pa pinapatawag ni Sir Josh samin, kailangan na daw nating pumasok sa loob. Anong oras na.."

Sabi ni Jake kay Hyul..

"Sige Miss, kailangan ko ng umalis eh. Sa susunod magiingat ka na ah? Bye.."

Pagkatapos sabihin sakin ni Hyul yon, dali-dali na siyang lumapit kay Jake..

Gusto ko sanang magpasalamat sa kanya kaso umalis na sila..

Lumapit naman agad sakin si Shane..

"Bff ano? Okay ka lang ba?"

Tanong ni Shane sakin..

"O-Oo naman bff.."

Sagot ko sabay ngiti sa kanya..

"Tara na!"

Sabi ko ulit..

Paghakbang ko ng kanang paa ko may naramdaman akong matinding kirot, dahil don napatigil ako bigla..

Mukhang masama ata yung pagkakabagsak ko kanina ah? May masakit eh! -______- ||

"Oh bakit bff??"

Napalingon naman ako kay Shane ng bigla siyang magsalita..

"Ha? W-Wala naman.."

Sagot ko sa kanya ng naka-ngiti..

Hindi ko nalang pinahalata na may naramdaman akong kirot sa paa ko..

Mahirap na! Baka pag nalaman niya to, bigla nalang siyang magyayang umuwi.. Hindi pwede! Ayoko!! TT^TT

Kaya kahit masakit, pinilit ko paring maglakad at magmukhang okay sa paningin ng bestfriend ko pati sa paningin ng ibang tao..

Secret Feelings (Unexpected Love)Where stories live. Discover now