SF 7

344 21 2
                                    

SF 7

Rin's P.O.V

Nang matapos ng magpa-picture ang lahat ng mga supporters ng A-Prince sa kanila, pumasok na sila sa loob ng backstage para magpalit ng damit.

Habang hinihintay naman sila ng mga supporters nila sa labas ng stage, nag-picture taking muna sila kasama nung mga banners na ginawa nila para sa A-Prince.

Pinagmasdan ko lang sila habang kumukuha sila ng mga pictures nila, bakas sa mga mukha at ngiti nilang lahat ang sobrang tuwa at galak dahil nakita ulit nila ang mga idols nila.

Maya-maya napalingon ako sa lugar kung nasaan yung backstage, dito kasi ako nakatayo sa labas ng gilid ng stage malapit sa isang restaurant.

Hinihintay ko si Shane, nagpunta kasi siya ng C.R. para mag-ipit ng buhok at magbawas ng tubig sa katawan..

Paglingon ko nakita ko siya, nanlaki ang mga mata ko ng makita kong nagsusuot palang siya ng pantaas niyang damit.

Nakita ko rin na nakatingin siya sakin habang nakangiti...

Naramdaman kong nag-init ang dalawang pisngi ko dahil sa sobrang pula nito...

Kaya ang ginawa ko tumalikod na agad ako sa kanya para hindi niya mapansin ang pamumula ng mga pisngi ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, sana lang talaga hindi niya nakita kung paano ako namula kanina nung makita ko siya.

Bigla namang may kumalabit sa kanang balikat ko, pagtingin ko sa likuran ko nandun si Shane...

"Halika na, uwi na tayo..."

Sabi niya sabay lakad papunta sa pintuan ng exit nitong mall.

Bago ako sumunod sa kanya lumingon muna ulit ako sa backstage, magbabakasakaling makita ko ulit siya.

Pero ilang segundo na ang nakalipas wala paring Hyul na lumalabas kaya umalis na ako.....


Hyul's P.O.V

Ang daming tao sa loob ng dressing room, kaya naisipan kong lumabas nalang ng backstage para doon na magpalit ng damit tutal pantaas nalang naman ang papalitan ko. Ayos na kasi yung pants na suot ko.

Paglabas ko pumunta agad ako sa likod ng backstage sa tapat ng isang restaurant, buti nalang may nakalagay na harang sa mga salamin sa bawat paligid ng restaurant nila.

Hindi nila ko makikita habang nagpapalit ako ng damit...

Pagkahubad ko nung coat na suot ko kanina pati yung white polo na nakapatong dito, kinuha ko agad sa loob ng bag ko yung t-shirt na ipampapalit ko.

Habang sinusuot ko yung damit na kinuha ko, napalingon ako bigla sa harapan ko...

Nagulat ako ng may makita akong isang babae na nakatingin sakin.

Naka-nerd glass siyang black tapos naka-infinite na t-shirt.

Sa sobrang taranta ko hindi ko malaman kung anong gagawin ko, kaya nginitian ko nalang siya...

Ang tanga-tanga ko naman, hindi ko man lang siya napansin bago ako magbihis!!! -_____- ||

Nang ngitian ko na siya nakita kong biglang namula yung dalawang pisngi niya, hindi ko alam kung bakit.

Tapos bigla naman siyang tumalikod sakin...

Ewan ko ba.. pero napangiti ulit ako dahil sa ginawa niya, nakakatuwa kasi yung itsura niya nung bigla siyang mamula tapos ang laki-laki pa ng dalawang mata niya habang nakatingin siya sakin.

Secret Feelings (Unexpected Love)Where stories live. Discover now