SF 18

299 12 4
                                    

A/N: Halos 1 week din pala kong hindi nakapag-update, ngayon ko lang napansin. :D Sorry busy-busyhan kasi ang Author ninyo! ^^v Anyway meet our new four single ladies. Char! :D Yung picture po sa right side, sila yun.. :)) Sabay-sabay nating tuklasin kung anong magiging papel nila sa buhay ng A-Prince at sa buhay nina Rin at Shane. Enjoy reading! ^^




SF 18

Shane's P.O.V

Nandito na kami ngayon sa tapat ng SJC Salon, nang matapos kasi yung show pinaakyat ang lahat ng mga fans at audience dito na gustong magpa-picture.. Dito daw kasi mag-i-stay ang lahat ng mga boyband group...

Habang hinihintay namin silang lumabas sa loob ng salon, sumandal muna kami ni bff sa mga fences na nasa likuran namin..

"Shane mukhang alam ko na kung bakit ako biglang kinabahan kanina.."

Napalingon ako kay bff ng bigla siyang magsalita...

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

Tanong ko sa kanya..

"Naalala mo ba yung babaeng sinama ni Hyul kanina sa taas ng stage?"

Tanong naman niya..

"Oo, bakit?"

Sagot ko..

"Siguro naman, napansin mo din yung mga bagay na ginagawa niya dun sa babae.."

Sabi na nga ba eh, sasabihin at sabihin niya rin sakin to...

"Oo, napansin ko.. Bakit anong issue don?"

Pagmamaang-maangan ko..

Napansin ko rin naman kasi talaga yon at napansin ko rin ang naging itsura ni bff nung mga oras na yon..

Hindi ko na nga lang sinabi sa kanya eh, pero inopen parin niya.. Haist! -______- ||

"Anong, anong issue? Hindi mo ba nakita kung paano titigan at hawakan ni Hyul yung babae kanina?? Kulang nalang matunaw ito dahil sa kakatitig niya sa kanya..."

Sabi niya sabay tingin sakin habang naka-hawak sa fence..

"Bakit sakin mo binubuhos yang galit mo? Ako ba si Hyul? Tsaka anong gusto mong gawin ko? Lapitan ko siya at tanungin kung bakit ganon siya makatitig dun sa babae..."

Sunod-sunod na tanong ko..

"Hindi ako galit, naiinis lang ako kasi habang tinitignan ko silang dalawa iba yung aura ni Hyul.. Hindi siya ganon sakin nung mga oras na ako yung kasama niya. Oo, sabihin na nating nag-worry nga siya sakin nun, na naging concern siya sakin pero yung mga tingin na yon, yung mga ngiti at titig niya dun sa babaeng yon ni minsan, ni kaunti wala akong nakitang ganon..."

Sagot niya sakin ng mangiyak-ngiyak pa..

"Hayaan mo na yon bff, nangyari na yun eh.. wala na tayong magagawa dun..."

Sabi ko naman sabay himas sa likod niya..

"Gusto kong hayaan, gusto kong balewalain kaso nasasaktan talaga ko eh..."

"Bff..."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya, gusto kong paga-anin ang loob niya kaso hindi ko naman alam kung anong dapat kong gawin...

Bakit pa kasi nauso yang love na yan eh, ang dami tuloy nasasaktan pati bestfriend ko dinamay niyo pa..

Kaya ako! Hindi talaga ko maiinlove, tama na sakin yung crush lang.. Tama na yung humahanga ako sa kanila.. ayoko kasing maranasan ang masaktan...

Secret Feelings (Unexpected Love)Where stories live. Discover now