SF 24
Rin's P.O.V
Hayy salamat! Natapos din ang midterm exams namin.. pwede na ulit akong mag-facebook at gumala. Hihi.. :D
Palabas na sana ako ng classroom ng biglang may tumawag sakin...
"Rin! Matagal ka pa ba? Bilisan mo, kailangan mong makita to. Dali!"
Paglingon ko si Agnes pala.. Kailangang makita ang ano? ^.~7
Pagkalabas ko ng pintuan, hinila agad ako ni Agnes sa kaliwang braso ko..
"Bakit? Ano bang meron?"
Tanong ko sa kanya..
"Basta be, bilisan nalang natin. Baka umalis na yun eh.."
Sagot niya..
Ha? Umalis? Sinong aalis?? ^.~7
Habang naglalakad kami ni Agnes sa hallway, malayo palang nakikita ko na yung mga babaeng nagkukumpulan malapit sa entrance nitong school..
Anong meron? Bakit halos lahat ata ng mga estudyanteng babae dito nasa tapat ng entrance?? ^.~7
"Uy! Ang tagal niyo naman, kanina ko pa kayo hinihintay eh. Tara dun tayo.."
Sabi ni Earlyn samin ng makarating kami sa lugar kung saan siya nakatayo..
"T-Teka! Bakit tayo pupunta diyan? Don't tell me gusto niyo ring makipagsiksikan sa mga babaeng yan??"
Tanong ko sa kanilang dalawa..
"Ano ka ba? Pano natin makikita kung anong nangyayari kung hindi tayo lalapit.."
Sagot ni Earlyn sakin..
"Oo nga, tsaka sabi nila gwapo daw yung guy eh. Titignan lang natin kung totoo.."
Sabi ni Agnes..
"Sino ba kasi yan? Bakit kailangan pa siyang pagkaguluhan?? Artista ba yan?"
Tanong ko ulit..
"Kaya nga tayo lalapit diba? Para makita at malaman natin kung sino.." ( Earlyn )
"Oo nga pala, sabi ng iba kanina artista nga daw siya.. Kasali daw sa isang boyband group? Ewan ko.." ( Agnes )
"Talaga lang ah?" ( Ako )
Himala! May naligaw atang artista "daw" dito sa school namin? ^.~7
"Oo nga! Kaya tara na girl.. Bilis!"
Sabi ni Agnes sabay hila ulit sa kaliwang braso ko..
Wala na kong nagawa, sumunod nalang ako sa kanila.. ayoko namang makaladkad ako ni Agnes.. Haist! -______- ||
Sino ba kasi talaga tong pinagkakaguluhan nila ngayon?? -______- 7
Nang makalapit kami sa mga nagkukumpulang babae.. biglang nagsalita si Earlyn, dahil don napatingin ako sa kanya...
"Sino kaya yung sinusundo niya?" ( Earlyn )
"Ang swerte naman ng babaeng yun.." ( Agnes )
Napatingin din ako kay Agnes ng bigla din siyang magsalita..
Kahit kelan, napaka-chismosa talaga ng dalawang babaeng to! -_______-
"Ano ba yan! Hindi ko makita.." ( Agnes )
"Gusto mo pumunta tayo sa pinaka unahan?" ( Earlyn )
"Sige be, tara!" ( Agnes )
"Ikaw girl? Ayaw mo? Tara sama ka na samin.."
YOU ARE READING
Secret Feelings (Unexpected Love)
Novela JuvenilHE IGNORES YOU but you like him.. HE DOES NOTHING yet you fall for him.. YOU MISS HIM even though you know he's never thought about YOU...