SF 12

307 17 2
                                    

A/N: Hello, I'M BACK!! Hahaha! Thanks for waiting. :D And salamat din pala sa lahat ng mga nagvo-vote sa SF, akalain mo yun naka 40 votes na agad tayo kaka-umpisa palang natin. Nakakatuwa diba? Just keep on voting! :)) Anyway here's the UD, pinahaba ko na po siya para naman maka-bawi ako sa inyo kasi ang tagal niyong naghintay. Hehe.. Enjoy reading! ^^




SF 12

Rin's P.O.V

"Class, before I dismiss you I have an important announcement first.. So everybody listen carefully..."

Tatayo palang sana kami sa mga upuan namin ng biglang magsalita ulit si Sir Matt, professor namin sa Personality Development..

Sayang! Akala ko pa naman makaka-uwi na ko..

Ano na naman kayang announcement yon?? -_____- 7

Dahil nga may sasabihin pa daw samin si Sir, umayos na agad kami ng upo para makinig sa kanya..

"Sir bakit po? Ano po ba yung importanteng bagay na sasabihin niyo samin?"

Tanong ni Agnes.

"Oo nga Sir.. Ano po ba yon? About san po??"

Tanong naman ni Erlyn.

"Alam niyo naman siguro na malapit na ang midterm exam ninyo, so kailangan na nating tapusin yung tatlo pang chapters na natitira sa libro ninyo. Kaya wala ng a-absent, pag umabsent kayo malaking bagay ang mawawala sa inyo.. Is that clear?"

"Yes sir..."

Sagot ng buong klase, syempre kasama na ko don.. :D

"Good.."

"Oh bawal na daw umabsent, narinig mo naman siguro yung sinabi ni sir diba?"

Pang-aasar ko kay Dave.

Palagi kasing uma-absent yan eh, kaya tuwing exam laging pa-kopya ang alam.. :D

"Bakit ako? Di naman ako uma-absent ah? Minsan lang.."

Sagot niya sakin.

"Asus!!"

Sabi ko sabay tusok sa tagiliran niya.

"Ano ba.."

Akala mo naman totoo, nagmamaang-maangan pa.. :D

"Meron pang isa..."

Napalingon kaming parehas ni Dave kay Sir Matt ng bigla siyang magsalita ulit...

"Nabanggit na din pala sakin ni Miss Torres yung about sa tour ninyo.."

"YEEHHEEYY!!! MAY TOUR ULIT!!"

Sigaw ng buong klase.

"Class quiet! Hindi pa ko tapos, wag kayong excited.."

"Sir san po ba yung tour namin at tsaka kailan po??"

Tanong na naman ni Erlyn.

"Sa Palawan daw, wala pang exact date pero ang target namin na buwan ay sa January pero pag di kinaya baka sa March na pagkatapos ng finals niyo.."

Palawan? Tama ba ang dinig ko, sa Palawan daw??

Yahoo! Mukhang exciting na naman yung tour namin ah?

Ma-ihanda na nga yung swimsuit ko, medyo matagal-tagal na rin simula nung huli ko siyang nagamit.. Hihi...

"Sir magkano naman po?"

Secret Feelings (Unexpected Love)Where stories live. Discover now