SF 10

330 22 6
                                    

SF 10

Shane's P.O.V

Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko nang marinig kong nagpa-out sina Hyul at Yarin habang nakikipaglaro sila ng agawan base sa gitna ng field.

Hindi ko kasi alam kung bakit, tapos sabi pa ni Hyul pahiram daw ng first aid kit nila. Ano bang nangyari?

Nakita kong inalalayan niya si bff papunta sa bench kung saan sila naka-upo ng mga kagrupo niya..

Nang makarating na sila doon, pina-upo niya muna si bff tapos binuksan niya yung first aid kit na nakapatong sa dalawang hita niya para kumuha ng bulak at betadine..

Bakit may sugat ba si bff??

Lumapit ako sa kanila ng kaunti para tignan kung anong ginagawa ni Hyul..

Nang makalapit na ko sa kanila nakita kong may ginagamot siyang sugat sa siko ni bff sa kanang braso niya..

Habang ginagamot naman siya ni Hyul nakita ko rin na nakatitig si bff sa mukha nito, tapos nakangiti pa siya..

Grabe tong bestfriend ko nagkasugat na nga nakukuha pang ngumiti.. -_____- 7

Pagkatapos linisin ni Hyul yung sugat ni bff, kumuha naman siya ng isang band-aid tapos nilagay ito sa siko ni Yarin..

Lumapit na ko ng tuluyan sa kanilang dalawa, baka kasi matunaw na si Hyul dahil sa kakatitig ng bestfriend ko sa kanya...

"Bff napano ka? Okay ka lang ba??"

Tanong ko kay bff ng makalapit na ko sa kanila..

"Ha? Ah oo, okay lang ako bff. Salamat.."

Sagot naman niya sakin ng nakangiti..

Tumingin naman ako kay Hyul tapos nagpasalamat ako sa kanya...

"Hyul thank you pala ah, ginamot mo kasi yung sugat ng bestfriend ko. Buti nalang nandyan ka, salamat ulit.."

"Your welcome.. Maliit na bagay lang naman yan. And besides kaya ko ginamot agad yung sugat niya para hindi maimpeksyon.."

Sagot sakin ni Hyul sabay tayo sa upuan niya habang nakangiti din..

Bakit ba panay ang ngiti ng dalawang to ngayon?? -____- 7

"Ah Hyul, salamat dito ahh.. Hindi ka na dapat nag-abalang gawin to. Nadumihan pa tuloy yung t-shirt mo, nakakahiya naman.."

Napalingon naman ako kay bff ng bigla siyang tumayo at magsalita, kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya..

Isa lang ang alam kong ibig sabihin kapag ganong kumikislap ang mga mata niya ng dahil sa tuwa at sobrang saya..

Hindi kaya......


Rin's P.O.V

"Ah Hyul, salamat dito ahh.. Hindi ka na dapat nag-abalang gawin to. Nadumihan pa tuloy yung t-shirt mo, nakakahiya naman.."

"Nako, wala yun. Okay lang, may isa pa naman akong dalang pampalit na damit sa bag eh.."

Hindi ko maalis ang mga tingin ko kay Hyul habang sinasabi niya sa harapan ko ang lahat ng yon..

Gusto ko mang umiwas ng tingin, baka kasi nakakahalata na siya na kanina ko pa siya tinitignan kaso hindi ko magawa..

Ayaw kasi makisama ng mga mata ko sakin...

Maya-maya hinawakan ako ni Shane sa kanang braso ko......

"Bff di pa ba tayo uuwi? Gabi na oh, baka hinahanap na tayo satin.."

Secret Feelings (Unexpected Love)Where stories live. Discover now