A/N: Wala pong masyadong happenings dito, inuunahan ko na po kayo. Pero sana basahin niyo parin po siya. Yun kasi yung flow ng story, pag nag-skip tayo hindi niyo na siya maiintindihan.. Yun lang po, salamat! ^^
SF 6
Rin's P.O.V
Nandito na ako ngayon sa LRT Katipunan, dito kasi yung lugar kung saan kami magkikita ni Shane.
Nang makarating ako dito wala pa siya kaya bumili muna ko ng coolers para hindi ako mainip habang hinihintay ko siya.
Iaabot ko palang sana yung bayad sa kuyang tindero ng biglang may tumawag sa pangalan ko sa bandang likuran ko.
Paglingon ko nakita ko si Shane, nandito na pala siya..
Dali-dali kong inabot kay kuyang tindero yung bayad ko at saka kinuha yung coolers na binili ko para makaalis na kami.
Hindi ko muna siya binuksan, bawal kasing kumain o uminom sa loob habang nakasakay ka sa train.
Kaya ang ginawa ko nilagay ko muna siya sa loob ng bag ko para mamaya ko nalang siya iinumin pagbaba namin sa Recto Station.
Nang makababa na kami ng hagdan, pumila na agad kami sa bilihan ng ticket.
Pagkatapos naming bumili ng ticket dumiretso na kami sa lugar kung saan humihinto yung train na sasakyan namin papuntang Recto Station.
Nang makarating na kami sa Recto Station nagtungo agad kami sa LRT 2, dun kasi yung lugar kung saan kami sasakay papuntang Pedro Gil.
Sa Pedro Gil kasi banda yung Robinson's Place Manila.
At dahil nga sa sasakay na naman kami ng LRT, hindi ko parin pwedeng inumin yung coolers na nasa loob ng bag ko...
Nakakainis naman! Dapat pala hindi na ko bumili nun.
Hindi na kasi masarap yun pag di na malamig eh.. >0<
Shane's P.O.V
Sa wakas! Nakarating din kami sa Robinson's Place Manila..
Grabe nakaka-haggard yung byahe namin ah!! -_____- #
Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng Mall nagtungo agad kami sa C.R...
Syempre! Kailangan naming mag-ayos, hindi naman pwedeng humarap kaming dalawa sa buong members ng A-Prince ng haggard-haggard.
Hinding-hindi ako makakapayag pag ganon, isang malaking NO WAY!!! >3<
Tsaka maaga pa naman alas-tres pa ng hapon ang start ng show nila, nang tignan ko sa phone ko kung anong oras na alas-dos palang.
So meaning may one hour pa kaming natitira para makapag-ayos at makapaglibot sa buong mall.
Kakain na rin pala kami para habang nanunuod kami ng show nila hindi kami gutomin ni bff.
Pagkatapos naming kumain pumunta na agad kami sa lugar kung saan gaganapin yung show ng A-Prince.
Quarter to three na kasi 15 minutes nalang magsisimula na yung show, kaya bumaba na agad kami.
Nasa 2nd floor kasi kami kanina, nasa first floor yung stage na gagamitin nila para sa show nila.
Nang makarating kami sa mismong lugar kung nasaan yung stage, nag-aanounce na yung MC na after 10 minutes magsisimula na daw yung show.
YOU ARE READING
Secret Feelings (Unexpected Love)
Teen FictionHE IGNORES YOU but you like him.. HE DOES NOTHING yet you fall for him.. YOU MISS HIM even though you know he's never thought about YOU...
