SF 39
Hyul's P.O.V
Nang makapasok kami sa loob ng Sky Garden at marating namin yung lugar kung nasaan sina Kurt, nagulat ako sa dinatnan ko..
"HAPPY BIRTHDAY HYUL!!!!"
Sigaw nilang lahat..
Akala ko ba bonding to? Ano to??
Lumapit naman sakin si Nadine tapos may inabot siyang paper bag..
"Happy birthday.."
Sabi niya sabay halik sa kaliwang pisngi ko..
"T-Thank you.."
Nauutal na sabi ko..
"Happy birthday Hyul! Surprise!!!" ( Jake )
Don't tell me pakana nilang anim to??
"Happy birthday Master Hyul.." ( Adrian )
Sinasabi ko na nga ba eh.. -____-
"Happy beerday Hyul! Tanda mo na!"
Sabi naman ni Justine sabay tapik sa kaliwang balikat ko..
"Salamat.."
Sagot ko sa kanya ng nakangiti..
"Happy birthday leader.." ( Earl )
"Thanks.." ( Ako )
"Happy birthday.. Nagulat ka ba sa surprise namin?"
Pangaasar ni Gene..
Tsk! -____-
"Happy birthday Hyul! Enjoy your day.."
Sabi naman nung pinsan ni Nadine, si Grace..
"Ayy! Thankyou!"
Sagot ko..
Hindi ko alam pero kahit naiinis ako kasi pinagkaisahan ako ng anim na kumag na to, nakaramdam parin ako ng tuwa dahil sa mga effort na ginawa nilang lahat..
Ayoko man sana ng ganitong klaseng celebration kasi nga hindi naman talaga ko mahilig sa mga party-party na yan kahit pa sabihin mong simple lang ito or what tapos sinurprise pa nila ko, hinayaan ko nalang..
"May pabonding-bonding pang nalalaman.. Tsk!"
Bulong ko sa sarili ko habang nangingiti..
Rin's P.O.V
Habang pinagmamasdan ko silang lahat, napapangiti ako kasi nakita kong naging successful naman yung plano nilang i-suprise si Hyul.. kahit na hindi kami kasama ni bff sa plano na yun! -____- ||
Biglang lumapit si Nadine sa kanya tapos may inabot siya na paper bag..
Yun siguro yung regalo na sinasabi nung babaeng kasama niya kanina..
Nagulat naman ako ng bigla niyang halikan si Hyul sa kaliwang pisngi niya pagkatapos niya itong batiin..
Hindi ko alam pero nakaramdam na naman ako ng kirot sa may bandang dibdib ko..
"Ang swerte talaga niya.."
Sabi ko sa isip ko..
After nun isa-isa na siyang binati ng mga kagrupo niya..
Ang cute nilang tignan parang mga bata lang, nagaasaran kasi pagkatapos batiin si Hyul.. :D
Babatiin ko din ba siya? Lalapit din ba ko sa kanya? Wag nalang siguro..
YOU ARE READING
Secret Feelings (Unexpected Love)
Novela JuvenilHE IGNORES YOU but you like him.. HE DOES NOTHING yet you fall for him.. YOU MISS HIM even though you know he's never thought about YOU...
