A/N: As I've said earlier may new book cover po ulit ang ating story at eto na rin po ang final cover niya, gawa po siya ni Miss SawneyChan. So stay tuned later ipo-post ko na po siya.. ^^ Once again salamat ng marami sa napaka gandang book cover na ginawa mo. It was perfect. Saranghaeyo!! ♥
SF 32
Rin's P.O.V
Habang pinapanood naming magsayaw sa taas ng stage ang grupo ng 3rdDegree biglang nangalabit si Shane, dahil don napalingon ako sa kanya..
"Bakit bff??"
Tanong ko kay Shane..
"C-CR lang ako bff ah? Naiihi na ko eh.."
Sagot niya sakin, tumango naman ako sa kanya bilang pagsang-ayon ko sa sinabi niya tapos umalis na siya..
Gusto ko sana siyang samahan kaso naisip ko pag pareho kaming umalis dito baka mawalan kami ng pwesto ni bff..
"Okay!!! Once again, let's give a big around of applause for 3rdDegree!!!!"
Bigla naman akong napalingon sa harapan ng stage ng marinig kong nagsalita na yung MC..
Tapos na palang mag-perform yung 3rdDegree, susunod na kaya ang A-Prince?? ^.~7
Halos apat na grupo na kasi yung lumalabas pero ang A-Prince wala padin..
Unang lumabas yung grupo ng VoiceMale, sunod naman ang grupo ng GoodVibes, then yung Way 5 tapos yung 3rdDegree..
Sana naman sila na yung pang-lima..  ̄3 ̄
Maya-maya napalingon ako sa kanang gilid ko, nakalimutan ko malapit nga pala yung pwesto namin sa backstage..
Hindi ko alam pero kusang gumalaw yung dalawang paa ko, unti-unti akong dinala ng mga ito sa lugar kung nasaan yung gilid ng backstage..
Laking gulat ko ng makita kong may kalahating salamin na harang pala yung gilid nito sa taas at hindi lang siya purong pader tapos nasa gilid naman nito yung pinaka entrance na pintuan..
Dahil don, kitang-kita ko ang mga ginagawa nila.. Yung ibang grupo na tapos ng mag-perform, nagkekwentuhan at naghaharutan nalang, yung mga hindi pa nagaayos at naghahanda naman kagaya ng A-Prince..
Bakit? Ilang grupo ba ang magpe-perform ngayon sa stage?? Bakit parang ang dami pa atang hindi lumalabas dito??
Nilibot kong maigi yung mga mata ko sa loob ng backstage, hindi ko pa kasi nakikita si Hyul. Halos lahat ng kagrupo niya nakita ko na pero siya hindi pa..
Nasan kaya yun?? ^.~7
Hyul's P.O.V
Habang nagaayos ako ng mga gamit ko sa isang gilid, may napansin akong isang babae na nakatingin sa malapad na bintanang salamin ng backstage...
Teka?? Bakit nakabukas na to?? May harang tong curtain kanina ah?? Sinong nagbukas? ^.~7
Hindi kasi kami pwedeng makita dito sa loob eh, mapapagalitan kami. Pano ba to?? Hindi ko naman siya pwedeng pagsarhan ng kurtina ng ganon ganon nalang, magmumukha akong bastos nito pag ganon.. -_____- ||
Tinitignan kong maigi yung mukha nung babae, mukha kasi siyang familiar sakin eh..
San ko nga ba siya nakita?? ^.~7
Hindi ko alam pero bigla nalang naglakad yung dalawang paa ko papunta sa pintuan ng backstage..
Unti-unti kong pinihit yung doorknob at tsaka lumabas..
YOU ARE READING
Secret Feelings (Unexpected Love)
Teen FictionHE IGNORES YOU but you like him.. HE DOES NOTHING yet you fall for him.. YOU MISS HIM even though you know he's never thought about YOU...
