SF 13

305 15 2
                                    

A/N: First book cover by Miss MariKris26. :) Thankyou so much for making such a beautiful cover for SF.. ^^ Saranghaeyo! ♥ And now here's the UD, dahil matagal na naman akong hindi nakapag-update may gift ako sa inyo. Dalawang chapters po ang ilalagay ko today.. Enjoy reading! ^^




SF 13

Rin's P.O.V

"I think, I'm in-love..."

Kitang-kita ko sa mukha ni Shane ang pag-kagulat nung sinabi ko sa kanyang in-love na ko..

Ayoko ng mag-pretend, mas mahihirapan lang kasi ako kaya ngayon sasabihin ko na sa kanya..

Tsaka bestfriend ko siya kaya maiintindihan naman niya siguro ako diba??

Maya-maya nagsalita na ulit siya...

"Anong sinabi mo bff? In-love ka??"

Tumango nalang ako sa kanya bilang pag-sagot ko sa tanong niya...

"Kanino naman??"

"Alam mo na kung kanino.."

"Sino nga?"

"Kailangan ko pa ba talagang sabihin??"

"Oo.."

Huminga muna ako ng malalim bago ko tuluyang ibuka ang bibig ko...

"Kay Hyul Lazaro.."

Pagkatapos kong sabihin yon tumagilid si Shane sakin tapos tumingin siya sa malayo...

"Sabi na nga ba eh, tama ang hinala ko.. Akala mo ba hindi ko napapansin??"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya..

Hindi napapansin ang ano??

"A-Anong ibig mong sabihin bff?"

"Rin bestfriend mo ko simula nung highschool palang tayo kaya bawat kilos at galaw mo kilala ko na..."

Hindi ako makasagot sa sinabi ni Shane, hindi ko kasi alam ang sasabihin ko sa kanya...

"Sa tingin mo ba pag pinag-patuloy mo yang nararamdaman mo para sa kanya, magiging masaya ka??"

"Ha? Bakit mo naman natanong yan bff??"

"Look..."

This time tumingin na ulit siya sakin...

"Hindi porket naging concern siya sayo nung araw na nasa Luneta Park tayo, eh gusto ka na rin niya.."

"Alam ko naman yun eh, hindi naman ako umaasa at alam ko rin kung saan ako lu-lugar..."

"Sigurado ka?"

"Oo naman, kaya don't worry bff gagawin ko lang siyang inspirasyon. Yun lang, wala ng iba pa promise!"

Sagot ko kay Shane sabay taas sa kanang braso ko bilang patunay na nag-promise talaga ko sa kanya..

"Okay sabi mo eh.. Ang akin lang naman kung saan ka masaya, susuportahan kita..."

Sabi naman niya sakin habang nakangiti...

"Salamat bff, the best ka talaga!"

Sabi ko sa kanya ng nakangiti din...

"Tsaka alam ko namang napaka-imposible talagang mangyari yung mga bagay na gusto kong mangyari eh..."

"Gustong mangyari??"

"Hmmm.. Oo, yun bang pwedeng maging kami o kaya mahalin niya rin ako kahit katiting lang.."

"Oh! Diba nag-usap na tayo? Akala ko ba hindi ka umaasa??"

"Hindi nga, sinasabi ko lang eto naman.."

"Kahit na.. Nako! Tigil-tigilan mo nga yan ah, bandang huli ikaw rin ang masasaktan pag pinag-patuloy mo yang pagiging assumera mo!!"

"Assumera agad??"

"Oh bakit hindi? Anong tawag mo dun??"

"Oo na, oo na.. Alam ko naman yun no! Tsaka diba sabi nga nila.. never assume, it's better to be surprised than to be dissapointed..."

"Oh alam mo naman pala eh, may pa gusto-gusto ka pang nalalaman..."

"Grabe to!"

"Anong grabe ka diyan? Pinapa-alalahanan lang kita, ayoko kasing makita na nasasaktan ang bestfriend ko tandaan mo yan!"

"Ayiieehh!!! Kikiligin na ba ko?" :D

Sabi ko kay Shane sabay tusok sa tagiliran niya...

"Ewan ko sayo.. BALIW!" -____-

"HAHA! Joke lang bff, eto naman hindi na mabiro.. Masyado ka na kasing seryoso eh, pinapatawa lang kita..."

"Nako! Pasalamat ka mahal kita!"

"SALAMAT!!" :D

Bago pa man tuluyang makapag-salita si Shane, tumayo na agad ako sa kina-uupuan ko..

Nakahanda na kasi yung isang kamay niya para batukan ako eh... >0<

Tumakbo ako ng mabilis para hindi niya ko mahabol..

"Lagot ka sakin pag naabutan kita!!!"

"Kung ma-aabutan mo ko!!" :P

"Oo, ma-aabutan talaga kita! Kaya mag-handa handa ka na!!"

At ayun! Naghabulan lang kaming dalawa sa loob ng Garden....... :D

Secret Feelings (Unexpected Love)Where stories live. Discover now