A/N: Guys quick suggestion lang po, if you want before you read this chapter click the link on the right side para mapakinggan niyo yung kanta.. Yan kasi yung pinaka nagustohan kong version sa lahat, ang ganda niyan promise!! :)) And yan din yung mismong kanta na ginamit ko sa scene na magaganap sa chapter na to. Hahahaha! Yun lang po. Salamat! ^^
SF 9
Rin's P.O.V
Habang nakikipaglaro ako ng agawan base sa ibang members ng A-Prince at A-Prince Buddies sa gitna ng field, biglang nagsalita ng malakas yung babaeng katabi ni Shane sa kaliwang gilid niya na may style na malaking ribbon sa headband.
Dahil don napatingin ako sa kanila...
"AYUN!! SA WAKAS! Nakita ko rin, I really like this song.. Paborito ko to eh, as in!!!"
Pagkatapos niyang sabihin yon, pinindot na niya yung screen ng tablet na hawak niya.
Nang magsimula ng tumugtog yung kanta mula sa tablet, nanlaki ang dalawang mata ko...
[Langit ang buhay...]
Hindi ako pwedeng magkamali yun yung kantang madalas na kinakanta ko pag nag-iisa lang ako sa bahay...
[sa tuwing ika'y hahagkan...]
Nakakatuwa naman hindi lang pala ako ang may paborito sa kantang yon...
[Anong ligaya...]
Maya-maya may narinig akong biglang sumigaw ng malakas malapit sa likuran ko...
"ATE SA HARAP MO!!"
[sa tuwing ika'y mamasdan...]
Lilingonin ko palang sana kung sino yung nagsalita...
[Sa piling mo ang gabi'y...]
May naramdaman na kong biglang bumangga sa kanang balikat ko ng napakalakas...
[tila araw...]
Sa sobrang lakas ng impact ng pagkakabangga niya sakin, napa-upo ako bigla sa sahig...
[Ikaw ang pangarap...]
Unang bumagsak ang puwet ko tapos sumunod naman ang kanang braso ko. Mukhang naitukod ko ata..
Hindi ako nakatayo agad, medyo masakit kasi yung pagkakabagsak ko..
Maya-maya may isang taong lumapit sa harapan ko..
Hindi ko nilingon agad ang mukha niya, nakatingin pa kasi ako sa sahig..
Pero naaaninag ko na inaabot niya sakin yung isang kamay niya...
[Ikaw ang pangakong...]
Nang lingunin ko na kung sino yung taong nag-aabot ng kamay sakin, nagulat ako...
[taglay ng isang bituin...]
Hindi ko inaasahan na si Hyul ang makikita ko...
[Tanging pangarap sa diyos ay hiling...]
Gusto ko sanang abutin yung kamay niya kaso nahihiya ako...
[makapiling sa bawat sandali...]
YOU ARE READING
Secret Feelings (Unexpected Love)
Novela JuvenilHE IGNORES YOU but you like him.. HE DOES NOTHING yet you fall for him.. YOU MISS HIM even though you know he's never thought about YOU...
