SF 33

220 9 5
                                    

SF 33

Rin's P.O.V

Hindi ako makapaniwala, nananaginip ba ko??

Kung panaginip nga ito ayoko ng magising pa..

Ayoko ng gumising sa isang napaka-gandang panaginip na ito..

Lord please! Sana ganito nalang po palagi.. *0*

Hindi ko alam kung anong saya ang mararamdaman ko nung lumapit siya sakin, lalong-lalo na nung inalalayan at binuhat niya ko....

((Flashback))

"Miss are you okay??"

Bigla akong napalingon sa kanang gilid ko ng may marinig akong bigla nalang nagsalita..

Paglingon ko, nanlaki ang mga mata ko hindi ko akalaing si Hyul ang makikita ko..

Yung taong kanina ko pa hinahanap sa loob ng backstage ay nandito na sa harapan ko ngayon..

Hindi ko alam kung anong isasagot ko, okay nga ba ako??

Biglang sumagi sa utak ko yung mga nangyari kanina, ng maalala ko yun nakaramdam ako ng isang matinding hiya at lungkot dahil don tumalikod ako sa kanya at uni-unti akong naglakad palayo..

Hindi pa man ako nakakalayo ng tuluyan naramdaman kong bigla na namang kumirot yung kanang paa ko, hindi ko nalang ito pinansin at nagdire-diretso lang ako sa paglalakad..

Pero hindi ko inaasahan na sa susunod na paghakbang ko mas matinding kirot ang mararamdaman ko kaya walang anu-ano'y bigla nalang akong bumagsak sa sahig..

Pagbagsak ko una kong hinawakan agad yung kumikirot na paa ko..

"A-Aray.."

Yan nalang ang nasabi ko..

Ano ba naman to! Ang malas-malas ko naman ngayong araw! Lagi nalang akong bumabagsak sa sahig ng biglaan.. TT^TT

Hindi ko naman inaasahan na lalapitan ako ni Hyul, akala ko kasi nung tumalikod ako sa kanya umalis na rin siya kanina..

"Miss okay ka lang ba? Gusto mo dalin na kita sa clinic??"

Tanong ni Hyul sakin..

Bago ako sumagot sa kanya pinagmasdan ko muna siya, bakas sa mukha niya ang pagaalala kaya bigla nalang akong napa-ngiti ng palihim..

"H-Hindi na kailangan, o-okay lang ako Hyul.. Salamat.."

Sagot ko sa kanya ng may ngiti na pilit, bigla na naman kasing kumirot yung paa ko.. -_____-

"Are you sure??"

Tanong niya ulit sakin, tumango nalang ako sa kanya para hindi na siya ganon magalala..

Ang sarap naman sa pakiramdam nito, si Hyul Lazaro nagaalala sakin?? Hindi ako makapaniwala.. Dream come true!! ^0^

Unti-unti niya kong inalalayang tumayo, hindi pa man ako nakaka-ayos ng tayo ko bigla na namang umatake yung kirot ng paa ko dahil don muntik-muntikan na naman akong bumagsak buti nalang nandiyan si Hyul, hinawakan niya kong mabuti..

"Hindi na maganda to.."

Kahit mahina lang ang pagkakasabi ni Hyul non, rinig na rinig ko parin kung ano yung sinabi niya..

Laking gulat ko ng bigla nalang niya kong buhatin ng walang pagaalinlangan, yun bang buhat na parang bagong kasal.. O____O

Hindi ko alam kung san kami pupunta o kung san niya ko dadalhin, wala na kong pakielam..

Basta ang alam ko lang ngayon sobra akong natutuwa at nagagalak sa mga nangyayari, pakiramdam ko sasabog yung dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko..

Secret Feelings (Unexpected Love)Where stories live. Discover now