SF 14
((Willford College))
Jake's P.O.V
Nandito kami ngayon sa loob ng Gym ng school namin, hinihintay namin sina Hyul at Justine..
Wala pa kasi yung dalawa, may klase pa ata..
Kaya heto naglalaro muna kami ng shooting dito sa court para hindi kami mainip habang hinihintay namin sila...
"Bukas na pala yung show natin sa SM San Lazaro no?"
Biglang segway ni Adrian habang dini-driball yung bola na hawak niya..
"Oo nga eh, nae-excite na nga ako kasi bukod satin may ibang boyband group pa tayong makaka-sama.."
Sabi naman ni Kurt..
"Asus! Walang binat-bat yung mga yun satin no! Tignan niyo bukas, mas magaling pa tayo sa mga yun.."
Pag-yayabang ni Gene..
"Oo nga pre, tama si Gene walang binat-bat yung mga yun satin.."
Pagsang-ayon naman ni Earl habang pumo-porma kung pano isho-shoot yung bola na hawak niya..
"Nako! Tama na nga yan, tigilan na natin to.. imbis na magpahinga tayo para may energy tayo mamaya nagpapaka-pagod pa tayo.."
Suway ko sa kanila sabay lakad papunta sa bleachers kung saan nakalagay yung mga gamit namin...
"Ang O.A. mo naman Jake, shooting lang naman tong ginagawa natin oh.."
Pag-yayabang ulit ni Gene sabay shoot nung bola na hawak niya sa ring..
"Nasan na ba kasi yung dalawa? Ang tagal naman ata ng labasan nila. Anong oras na oh? para makapag-practice na tayo..."
Tanong ni Earl..
"Oo nga, mamaya nandun na sina Ate Marie at Sir Josh sa studio eh.."
Sabi naman ni Kurt..
"Malay ko, baka nag-extend ng oras yung prof. nila.."
Sagot ko nalang sa kanila..
Hindi ko rin kasi talaga alam kung bakit hanggang ngayon wala parin yung dalawa, eh sa pagkaka-alam ko halos magkakasabay lang ang labasan namin..
Limang minuto lang ata ang pagitan sa bawat oras ng uwian naming lahat...
Hindi kasi kami magkaka-klase, magkaka-iba ang course na kinuha namin..
Si Hyul at Justine parehong Accountancy, si Gene at Earl naman Psychology.. Si Kurt at Adrian, pati narin ako Engineering...
"Oo nga, baka naman nag-extend nga ulit ng oras yung prof. nina Justine. Alam niyo naman sa Accountancy, pagdating sa Math hindi talaga nauubusan ng activities..."
Sabi ni Adrian..
"Sa bagay, tama ka diyan.."
Sabi naman ni Kurt habang ini-ikot yung bola sa hintuturo ng kaliwang daliri niya..
Si Hyul at Justine pala pati narin si Earl at Gene ay 3rd year college na.. Kami naman nina Kurt at Adrian 2nd year college palang...
Nabuo ang grupo namin dahil kay Tito Larry, actually tito siya ni Hyul kaya lang naging "Tito" yung tawag din namin sa kanya kasi sabi niya samin "Tito" nalang daw wag ng "Sir" tutal kaibigan naman kami ni Hyul..
Isa siyang Talent Manager sa isang T.V. Station.. Secret na yung pangalan, bawal kasing sabihin eh baka mapagalitan kami ni Miss Author... (¬_¬)
YOU ARE READING
Secret Feelings (Unexpected Love)
Teen FictionHE IGNORES YOU but you like him.. HE DOES NOTHING yet you fall for him.. YOU MISS HIM even though you know he's never thought about YOU...
