SF 42
Hyul's P.O.V
Nagulat ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko pag lingon ko si Nadine pala, akala ko kung sino na siya lang pala..
Nang makalapit siya sakin niyakap niya ko tapos hinalikan sa pisngi, napangiti naman ako dahil sa ginawa niya..
Akala ko kasi hindi na siya makakapunta tapos na din kasi yung show pero buti nalang nandito na siya, buti nalang nakahabol siya..
Maya-maya napalingon ulit ako sa direksyon nung babaeng sinusundan ko ng tingin kanina, paglingon ko sa lugar kung saan siya nakatayo kanina wala na siya..
Pero nakita ko naman yung isa pang babae na kausap niya kanina lang, nilapitan ko siya para tanungin kung nasan na yung kasama niya..
"Excuse me Miss! Diba ikaw yung kasabay nung isang babae sa loob kanina nung nagpapicture? Magkasama ba kayo??"
Biglang nanlaki yung dalawang mata niya dahil sa sinabi ko, hindi ko alam kung bakit pero baka nagulat lang siguro. Baka hindi niya inaasahan na magtatanong ako sa kanya ng ganon..
Medyo natagalan siya bago niya ko sagutin.. Teka? Bakit nga ba ko nagtatanong sa kanya?? Ano naman kung magkasama nga sila? Ano naman kung kasama niya nga yung babaeng yon, as if namang may concern ka? Ano ba tong ginagawa ko?? -_____- 7
"Ahh.. O-Oo, kasama ko nga siya. Why? Nagkita ba kayo? Actually kanina ko pa siya hinahanap kaso hindi ko siya makita.. Nasan na kaya yung babaeng yon??" ^.~7
Hindi ko namalayan na nagsalita na pala yung babae.. Ano ba to? Bakit ba kasi ngayon pa ko nawawala sa sarili ko?? Nakakainis naman!! -______- +++
"Psst! Hyul? Okay ka lang?" ( Shane )
"Ha? Ahh.. O-Oo! Nakita ko siya kanina pero hindi kami literal na nagkita ah, nakatayo siya dito kaso bigla nalang siyang nawala.."
Sagot ko nalang dun sa babae..
Pagkatapos kong sabihin yun umalis na siya kaagad, tatawagin ko pa sana siya kaso bigla nalang siyang nawala.. San napunta yon?? ^.~7
Nadine's P.O.V
Nagulat nalang ako ng bigla akong iwan ni Hyul magisa dito sa kinatatayuan ako, nakita kong lumapit siya sa isang babae na hindi ko alam kung sino..
Wala akong idea, ngayon ko lang siya nakita.. Fan kaya siya ni Hyul or kaibigan niya??
Nakita ko din na kinausap niya yung babae hindi ko alam kung anong pinaguusapan nila, napaisip tuloy ako.. Bakit kaya niya nagawang umalis sa harapan ko ng ganon-ganon nalang, pwede naman niya kong isama or ipakilala dun sa nilapitan niya??
Maya-maya may kumalabit sa likuran ko, paglingon ko si Gene pala akala ko kung sino na. Sinesenyasan niya ko na pumasok daw ako sa loob kung saan nandun silang lahat na magkakagrupo..
Sumunod naman agad ako, ang dami na din kasing mga tao dito na nagkakagulo kasi gusto pa daw nilang magpapicture sa mga idol nila..
Bago ako tuluyang pumasok sa loob tumingin muna ulit ako sa lugar kung nasaan si Hyul kanina, pero pagtingin ko wala na siya.. Saan nagpunta yon??
Hyul's P.O.V
Pabalik na sana ako sa mga kagrupo ko ng may mapansin ako sa likuran kong isang babae na nakasandal na naman sa isang fence sa may dulo na malapit sa isang salon..
Nakataikod siya sakin kaya hindi ko siya masyadong namukhaan, lalapitan ko palang sana siya kaso napansin kong naglalakad na pala ang mga paa ko papunta sa direksyon niya..
YOU ARE READING
Secret Feelings (Unexpected Love)
Novela JuvenilHE IGNORES YOU but you like him.. HE DOES NOTHING yet you fall for him.. YOU MISS HIM even though you know he's never thought about YOU...
