SF 17

294 11 8
                                    

SF 17

Hyul's P.O.V

Bago pa man kami mag-perform sa harapan ng stage, napansin ko na siya..

Ang babaeng naka-agaw sa atensyon ko, ang babaeng hindi ko na naalisan ng tingin simula nung makita ko siya.. ang babaeng nakapagpabighani sa puso ko...

Habang hinihintay naming tawagin kami ni Miss Lea (MC), hindi ko mapigilang sumilip ng sumilip sa kanya..

Pakiramdam ko kasi malingat lang ako sandali maaari siyang mawala sa kinauupuan niya..

Isa siya sa mga audience na nanonood dito sa event ngayon.. Napaka-ganda niya, nakaka-akit ang ngiti at napaka-amo ng mukha...

Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang din siya nakita pero kahit na ganon willing akong makilala siya at makipag-kilala sa kanya......




~~~~

Habang kinakanta namin yung first stanza ng Mahal na Mahal Kita, hindi ko parin maiwasang tumingin sa kanya..

Mas lalo kasi siyang gumaganda sa tuwing ngumingiti siya..

Hindi ako sigurado pero mukhang napansin niya ata akong tumitingin sa kanya, napatingin kasi siya sa likuran niya tapos pagharap niya ulit sakin bigla siyang ngumiti..

Hindi ko alam pero may kung anong bagay ang biglang nagpa-init sa buong katawan ko.. tapos unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko...

Nung nasa chorus na kami isa-isa kaming bumaba sa taas ng stage para kumuha ng isang fan or audience na pwede naming dalhin pabalik sa stage upang haranahin..

Eto na ang pagkaka-taon ko para malapitan siya.. Dali-dali akong nagpunta sa upuan niya, nang makalapit na ko sa kanya inilahad ko agad ang isang kamay ko...

Ngumiti muna siya sakin bago niya tuluyang iabot ang kamay niya.. mas maganda siya pag sa malapitan...

Nang maka-akyat kami sa stage, pumwesto kami sa gitna..

Habang kinakanta naman nina Jake yung second stanza, tumingin ulit ako sa kanya ng naka-ngiti.. tumingin din naman siya sakin tapos ngumiti din siya...

Nung mag-chorus na ulit, tumingin na ko sa harapan tapos unti-unti ko siyang hinawakan sa bewang niya.. napansin kong hinawakan niya rin ako sa bewang ko dahil don napa-ngiti ulit ako...

Nung mag-bridge na humarap ako sa kanya tapos tinaas ko yung isang kamay niya na hawak-hawak ko tapos nilagay ko ito sa dibdib ko..

Habang kumakanta ako, nakatingin lang ako ng diretso sa mukha niya.. ang ganda din pala ng mga mata niya kasing ganda ng nagmamay-ari nito...

Nagulat naman ako ng bigla niyang ipunas yung kaliwang hintuturo niya sa ilong ko tapos bigla siyang tumawa ng mahina..

Ang cool naman ng babaeng to.. mas lalo tuloy akong nagiging interesado na makilala siya......


Justine's P.O.V

Nang maka-akyat kami sa taas ng stage, hinanap ko na agad siya.. sana nandito siya ngayon para panoorin ulit kami...

Nilibot ko ang mga mata ko sa lahat ng audience na nasa harapan namin, wala pang isang minuto nahanap ko na agad siya..

Napa-ngiti ako ng sobra nung makita ko siya, habang nagpapakilala sina Hyul nakatingin lang ako sa kanya..

Hanggang ngayon ang simple-simple parin niya, walang kaartehan sa katawan..

Bawat magpapakilala samin tumitingin siya..

Secret Feelings (Unexpected Love)Where stories live. Discover now