SF 11

350 19 3
                                    

SF 11

Rin's P.O.V

Ngayon alam ko na, ngayon malinaw na sakin ang lahat..

Kaya pala sa tuwing makikita ko siya natutulala ako sa kanya, kaya pala sa tuwing lalapitan ko siya bumibilis ang tibok ng puso ko..

Kaya pala sa tuwing susubukan kong kausapin siya natatameme ako bigla, kaya pala palagi siyang sumasagi sa isipan ko..

Kaya pala hindi ko maiwasang tumingin sa mukha niya, kaya pala sobra akong natuwa nang makita kong "Single" ang nakalagay sa status niya..

Kaya pala kahit anong pilit at gawin ko hindi ko talaga siya maalis sa isip ko..

At kaya pala ang sigla-sigla ng buong katawan ko sa tuwing may pagkakataong makasama ko siya, kasi... may kakaiba na kong nararamdaman para sa kanya........

Hindi lang basta paghanga, hindi rin basta pagka-gusto at mas lalong hindi rin bilang isang kaibigan o fan lang niya..

Kundi......

Isang pakiramdam na pilit kong iniiwasang mangyari pero nangyari parin..

Isang pakiramdam na pilit kong dinidedma kasi alam kong mali at hindi dapat kaso wala parin akong nagawa..

Totoo nga yung kasabihang "It started with a simple admiration, turned into CRUSH. But I never expect to see myself FALLING INLOVE......"

Ayoko sanang aminin, ayoko sanang tanggapin ang nararamdaman kong ito pero nandito na to..

Hindi ko na mapipigilan pa ang pag-usbong nito....

Kaya ngayon sasabihin ko na, hindi ko na idi-deny pa.......

In-love ako sa kanya.......

In-love ako sa taong mahirap abutin.......

In-love ako sa taong alam kong imposibleng ma-inlove din sakin.......

In-love ako sa taong hindi ko inaasahang darating sa buhay ko ng ganito........

IN-LOVE AKO KAY "HYUL LAZARO!!!!"


Justine's P.O.V

It's been three days since I met that girl... the girl with a blonde hair, wearing black nerd glasses and infinite shirt........

I don't know but when I first saw her nabighani talaga ko sa taglay niyang kagandahan...

Napaka-simple niyang babae, simple manamit at wala ni isang make-up na nakalagay sa mukha niya...

Ang hin-hin din niyang kumilos, may pagka-makulit pero ang pinaka nagustohan ko sa kanya sa tuwing pagmamasdan ko siya ay yung napaka-tamis niyang "ngiti..."

Yun bang ngiti na kapag tinitigan mo siya biglang liliwanag ang buong paligid mo...

Yung ngiti na kapag pinagmamasdan mo siya pakiramdam mo siya na yung babaeng pinaka maganda sa buong mundo, kasi ngiti palang niya solve ka na...

Sa isang ngiti lang niya sapat na na dahilan para lumabas ang tunay niyang kagandahan...

Ewan ko ba!

Pero sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, yung pakiramdam na hindi ka mapakali...

Tapos kapag sumasagi sa utak mo yung mukha niya bigla ka nalang mapapa-ngiti ng walang dahilan...

Gusto mo siyang makita ulit, gusto mo siyang makasama kaso hindi mo naman alam kung saan mo siya pupuntahan..

Ang O.A ko no? Pero wala eh, ganito talaga yung mga nararamdaman ko ngayon...

Secret Feelings (Unexpected Love)Where stories live. Discover now