SF 22

283 9 3
                                    

SF 22

Kylie's P.O.V

Hey Guys! It's me Kylie Villanueva, 16 years of age.. Single and ready to mingle. Chos! xD

Teka! Ano ba tong mga sinasabi ko?? -______- 7

Anyway, tama po kayo ng nabasa sa last chapter.. kapatid nga ako ni Kuya Jake..

Epal kasi tong si Adrian eh, sinabi pa! -______-

Hindi ko na nga pinapa-alam at sinasabi sa iba.. Masyadong madaldal.. Haist! -_______-+++

Pero ano pang magagawa ko binunyag na niya kaya sasabihin ko na din sa inyo ang lahat para maintindihan niyo na rin kung pano kami naging magkapatid gayong magka-iba naman ang apilyedo namin..

Kaya lang wag kayong maingay ah? Ayaw na din kasing ipagsabi ni Kuya Jake sa iba to eh, ayaw na kasi niyang maungkat ang nakaraan..

Sa totoo lang hindi kami original na magkapatid, magkapatid lang kasi kami sa ina, magkaiba ang tatay namin..

Ang first family ay sina Kuya Jake, hindi nag-work out ang pagsasama ng Mommy at Daddy niya kaya sila naghiwalay..

Pano ko nalaman to? Kinwento kasi sakin ni Mommy ang nakaraan niya bago pa man kami dumating ni Daddy sa buhay nila ni Kuya Jake..

Ewan ko lang kung alam din ng buong A-Prince ang tungkol dito kasi nung pinakilala ako ni Kuya Jake sa kanila, sinabi niya na kapaitd niya ko..

Walang galit si Kuya Jake sa Daddy niya, actually may contact pa nga sila hanggang ngayon sa isa't-isa eh at minsan pumupunta din si Kuya Jake sa bahay nila..

Hindi kasal si Mommy at ang Daddy ni Kuya Jake, pero sinubukan nilang magsama noon para sa kinabukasan ni kuya at para mabigyan din ito ng masayang pamilya kapag sinilang na siya..

Pero kagaya ng sinabi ko hindi nag-work out ang pagsasama nila kaya nagdesisyon sila na maghiwalay nalang nung 2 years old palang si kuya..

Hindi rin nila mahal ang isa't-isa, pero bago pa man dumating si Kuya Jake sa buhay nila magkaibigan na talaga si Mommy at ang Daddy niya..

Nabuo si Kuya Jake ng hindi sinasadya, alam niyo na siguro kung anong ibig sabihin nun kaya hindi ko na papalawakin pa..

Kagaya ng sinabi ko noon palang magkaibigan na talaga si Mommy at ang Daddy ni Kuya Jake kaya nung naghiwalay sila hindi sila nahirapang mag-adjust..

Nagkasundo pa nga sila na kahit hindi na sila magkasama or magkaron man sila ng bagong pamilya in the future itutuloy parin nila ang pagiging magkaibigan nila..

Hindi ipagdadamot ni Mommy si Kuya Jake sa kanya at ang Daddy naman niya hindi mamawala ang obligasyon sa anak bilang ama..

Nung una hindi agad ito nakayanan at naintindihan ni kuya dahil nga bata palang siya at walang kaalam-alam nung umalis ang Daddy niya sa kanila..

Pero di nagtagal naka-recover din si Kuya Jake, pinilit intindihin ang lahat at mas naging matatag para sa kanila ng Mommy niya..

Kaya pala walang galit si Kuya Jake sa Daddy niya kasi kahit wala na ito sa kanila hindi parin nakalimutan ng Daddy niya na iparamdam sa kanya kung gano siya kamahal nito..

Hindi siya pinabayaan at binalewala kahit may ibang kasintahan o iniibig na ito noon.. Dinadalaw parin siya ng Daddy niya at sinusuportahan sa mga pangangailangan nito...

Nananatili parin ang pagiging magulang nila kay Kuya Jake..

Dumating naman si Daddy sa buhay ni Mommy nung kinder si Kuya Jake.. teacher kasi ni kuya si Daddy nung kinder siya at sa tuwing sinusundo ni Mommy si Kuya Jake sa school niya, doon unti-unting nabighani si Daddy sa kanya...

Secret Feelings (Unexpected Love)Where stories live. Discover now