SF 5

511 22 3
                                    

SF 5

Rin's P.O.V

Dalawang araw na ang nakalipas simula nung mangyari ang isang bagay na kahit kailan hindi ko inaasahang mangyayari sa buhay ko.

At sa dalawang araw na yun lagi ko na siyang naiisip, hindi ko siya maalis sa utak ko kahit anong gawin ko.

 Hindi na ko makatulog sa gabi dahil sa kakaisip ko sa kanya...

Maging sa pag-gising ko mukha parin niya ang bumubungad sa utak ko.

Ano ng gagawain ko??

Ayoko man siyang isipin wala talaga kong magawa, may isang bagay lang akong gawin o makita na maaaring makapagpa-alala sa kanya sumasagi na agad siya sa utak ko....

Bakit ba kasi nakita pa namin sila??

Bakit ba kasi sinundan pa namin sila??

Bakit ba kasi nakilala pa namin sila??

Eh di sana hindi ako nagkakaganito ngayon...

Eh di sana hindi ako nababaliw sa kakaisip kung ano bang dapat kong gawin para mawala na siya sa utak ko.....




~~~~

"Rin! Nakapag-review ka na? Pwede pakopya?? Hehe.."

Muntik na kong mahulog sa kinauupuan ko ng may marinig akong biglang nagsalita sa gilid ko.

Paglingon ko si Dave pala, ang isa sa mga seatmates ko dito sa classroom.

Naka-upo siya sa bandang kanan sa gilid ko, nasa pangatlong row pala kami.

Yung nasa harapan ko si Erlyn, yung nasa kabilang gilid ko naman si Agnes at yung nasa bandang likuran ko ay si Carlo.

Ngayon ang araw para sa prelim examination namin sa subject ni Miss Torres.

At hanggang ngayon wala parin akong nare-review, kaya heto kailangan kong sulitin ang oras na binigay samin ni Ma'am para makapag-browse sa mga notes namin.

Buti nalang nagbigay siya ng ilang minuto para makapg-review pa kami dahil kung hindi baka wala akong masagot sa exam namin ngayon.... >0<

"Okay class! Close your notes. You're going to start your exams, no cheating. Ang mahuli kong mag-cheat, automatic singko. Is that clear??"

"Yes Miss Torres..."

"Okay good! Get one and pass..."

Heto na! Mage-exam na kami, kaya natin to mga cheatmates este classmates pala! :D

FIGHTING!!! ^0^

Pagkalipas ng isang oras isa-isa na naming pinasa kay Miss Torres ang exam namin, nang matapos na kaming mag-exam nagpa-uwi narin siya agad.

Buti nalang pala nung araw na nagdi-discuss si Ma'am ng mga lessons namin nakikinig ako sa kanya.

Kaya hindi ako masyadong nahirapan sa exam namin kanina kahit hindi pa ko masyadong nakapag-review.... ^______^

Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin. Sa bawat araw na pumapasok kami sa eskwela isang subject lang pinag-aaralan namin.

Sa bawat subject na yon, may iba't-ibang professors ang nagtuturo samin, ang oras ng klase namin kada araw ay laging tatlong oras lamang.

Meron kaming anim na subjects na pinag-aaralan ngayon at isa na don ang Domestic Tourism na hawak ni Miss Torres.

Kada subjects merong three units kaya ang klase namin mula lunes hanggang sabado ay laging tatlong oras.

Secret Feelings (Unexpected Love)Where stories live. Discover now