SF 15

330 10 6
                                    

A/N: Here's the next UD Guys! :) Isa lang po yung malalagay ko sorry.. pero don't worry mahaba po ito, hindi po kayo mabibitin. (Sana) xD Sana po magustohan niyo.. Enjoy reading! ^^




SF 15

Shane's P.O.V

Nandito na kami ngayon ni bff sa estasyon ng LRT Katipunan, actually nakabili na kami ng ticket hinihintay nalang namin yung train na sasakyan namin papuntang Recto Station..

Tulad nga ng sinabi niya sakin kagabi, 1:30 pm kami nagkita. Pagkadating namin dito, maigsi palang ang pila kaya ang ginawa namin pumila na kami kaagad para makabili na kami ng ticket..

Ilang sandali pa, dumating na rin yung train.. nasa pinaka unahan kaming dalawa para naman pagbukas palang ng pinto ng train makapasok na kami kaagad..

Mahirap na! Ayaw naming makipagsiksikan sa likod, baka mamaya magitgit pa kami ng mga tao sa likuran namin eh.. hindi pa kami makapasok!! >0<

Pagkalipas ng tatlong-pung minuto nakarating na rin kami sa Recto Station..

Pagkababa na pagkababa palang namin ng hagdan sumakay na kami kaagad ng jeep papuntang Tayuman, dun kasi banda yung SM San Lazaro..

Sakto kasi pag baba namin ni bff may humintong jeep sa tapat namin, nang tanungin namin si kuyang driver kung dadaan ba siya ng Tayuman sabi niya "Oo" daw kaya sumakay na kami kaagad......


Rin's P.O.V

Habang nasa jeep kami ni Shane, hindi ko maiwasang magtanong sa kanya.. may kakaiba kasi akong biglang naramdaman sa dibdib ko...

"Shane sa tingin mo, ano kayang mangyayari mamaya??"

Pagkasabi ko nun, napalingon sakin si bff, nakatingin kasi siya sa bintana...

"Ewan ko.. Bakit? Manonood lang naman tayo diba??"

"Oo nga, kaso bigla akong kinabahan eh.."

"Ha? Bakit naman??"

"Hindi ko rin alam kung bakit.."

"Nako! Mukhang masamang pangitain yan ah.. Wag na kaya tayong tumuloy bff??"

"Shane naman eh, wag ka namang ganyan.."

"Hahaha! Joke lang bff, eto naman.. Nakakatuwa yung itsura mo oh, para kang nabagsakan ng langit at lupa.." :D

"Baliw ka talaga!" -___-

"Hehe.. Tsaka pababa na tayo oh, aatras pa ba tayo? Eh alam ko namang hindi ka magpapa-awat.."

"Nako! Hayaan mo na nga lang! Maya-maya siguro mawawala na rin to.."

"Oo nga, bakit ba kasi iniisip mo pa yan? Wala lang yan bff, wag mo nalang pansinin.."

Ngumiti nalang ako kay Shane bilang pagsagot ko sa sinabi niya sakin.. tapos tumingin na ulit siya sa bintana...

Ewan ko ba! Pero hindi parin talaga ko mapalagay sa naramdaman ko kanina, napahawak nalang ako sa dibdib ko..

Anong ibig sabihin nito? Bakit kaya bigla akong kinabahan??




~~~~

Pagakababa namin ng jeep, pumasok na agad kami ni Shane sa loob ng SM San Lazaro..

Secret Feelings (Unexpected Love)Where stories live. Discover now