Author's Note:
Lahat ng mga kaganapan o pangyayari, lugar at tao ay naisip lang po ni author na gamitin dito sa story na ginagawa niya. Ang ibang chapters po dito ay pawang kathang isip lamang...
Kung meron man pong mga wrong spelling or grammar sa bawat chapters, paki intindi nalang po. Hahaha! Salamat.. :))
Saranghaeyo!! ♥
Lovelots,
ThatSimplyPrincess♥
SF 1
"Okay class! Next meeting is our prelim examination, so be ready. Mag-review kayo ng mabuti. Class dismissed."
Si Miss Torres, professor namin sa Domestic Tourism..
Nasa school ako ngayon. Maaga nag-pauwi si Ma'am kasi exam week lang naman namin. Nagbigay lang siya ng pointers para sa exam namin sa kanya next meeting..
Late kasi siyang magbibigay ng exam, kaya ngayon lang niya binigay yung pointers namin sa subject niya..
Wala pa kong balak umuwi, maaga pa kasi, ala-siete pa ng gabi ang talagang labasan namin. Eh pagtingin ko sa wristwatch ko alas-kwatro palang ng hapon tsaka holiday naman bukas walang pasok..
Yayayain ko nalang mag-gala si Shane. Hihihi.. ^______^v
Oo nga pala! Nakalimutan kong magpakilala...
Ako nga pala si Yarin Enriquez, you can call me Rin for short. Yan kasi ang kadalasang tawag ng mga friends at classmates ko sakin.. ^^
18 years old, I'm now in 3rd year college. Sa paaralang Campbert University. Tourism ang course na kinukuha ko..
Nga pala "Campber" ang basa dun silent "t", ang arte ng school namin no? -_____- 7
Panganay ako sa aming tatlong magkakapatid. Dalawa kaming babae at isa namang lalaki. Manager si Papa sa isang Chinese Restaurant, secret na yung name. Housewife naman ang Mama ko..
Simple lang ang buhay namin, kain dito, nood don. Pasyal dito, aral dun. Trabaho dito, tulog dun. Alam niyo na yung tipikal na pamilya ba. Yung normal na pamumuhay lang..
Aaminin ko hindi ako isang kagandahang nilalang, pero proud ako sa kung ano at sino ako. Simpleng tao lang ako, hindi mahilig mag make-up, pulbo lang ayos na sakin..
Simple lang din akong manamit, blouse o t-shirt at pants lang okay na..
Medyo mahiyain akong tao, tahimik, lalo na pag sa mga taong kakakilala ko palang. Pero pag nakaclose niyo na ko lumalabas ang pagiging maingay, madaldal at makulit kong pag-uugali..
Mabait at masayahin din ako, palakaibigan, pero ang pinaka-kinaiinisan ko sa lahat mabilis akong ma-fall o ma-inlove sa isang tao...
Kahit na alam kong mali, kahit alam ko sa sarili ko na hindi dapat.....
~~~~
Palabas na ko ng classroom ng biglang may tumawag sa pangalan ko..
Paglingon ko mukha ni Shane ang bumungad sa bintana ng classroom namin..
Buti nalang nandito na siya, hindi ko na kailangan pang pumunta sa classroom nila. ^_______^
"Bff tara gala tayo, maaga din kaming pinalabas ng professor namin eh."
YOU ARE READING
Secret Feelings (Unexpected Love)
Fiksi RemajaHE IGNORES YOU but you like him.. HE DOES NOTHING yet you fall for him.. YOU MISS HIM even though you know he's never thought about YOU...
