Prologo

11.7K 220 1
                                    

We met at the bar. We chat and we talk our personal lives..He's name is Walter Dela Monte-- kilala ko siya because he is one of the most popular business tycoon in the Philippines. Gwapo, matangkad at saka mistiso si Walter. Mabait ito at alam na alam niya kung paano pakilitiin ang mga babae na kagaya ko. Imagine, hindi naman ako basta-bastang babae because I am the daughter of one of the most popular haciendero in the Philippines na sina Anton Alejandro del Rio at Dennise Claire Fajardo-del Rio pero nagawa niyang bihagin ang pihikan kong puso. Ako ang panganay na babaeng anak at lahat ng luho at gusto ko ay nakukuha ko pero hindi ako ang klase ng babae na madaling makuha ang loob ng isang lalaki--hard to get kumbaga ako. Gusto ko iyong nahihirapan muna ang mga lalaki bago nila makuha ang loob ko pero pagdating kay Walter ay parang naglaho ang pagiging hard to get ko. Madali niyang nakuha ang loob ko. He's super romantic person at sa bawat ginagawa niya ay hindi ko maiwasang kiligin. Hanggang sa dumating ang point na nahulog ako sa kanya. I fell inlove with Walter Dela Monte. Hindi naman niya ako niligawan pero ramdam ko naman ang pag-alala niya sa akin. He is gentleman at saka romantic kaya lalo akong nahuhulog sa kanya. I mean, alam niya kasi kung ano ang gusto ko at kung ano ang hilig ko. Mostly iyon naman kasi ang ideal man ng mga babae sa panahon ngayon.

Magkaibigan din naman kasi ang bawat pamilya namin kaya hindi na ako nagdadalawang isip kay Walter. One time he brought me flowers--hindi lang basta flowers dahil favorite flower ko yun--sunflowers ang ibinigay niya sa akin. Sobra naman ang kilig ko sa kanya.

"Bakit mo ako binibigyan ng bulaklak?..are you courting me?" hindi ko naiwasang tanong dito. Ngumiti siya.

"What do you think?.Sa tingin mo, bakit binibigyan ng lalaki ang isang babae ng mga bulaklak?" may pabitin-bitin pang wika niya.

Inamoy ko ang bulaklak. Nasa mataas na bahagi kami ng hotel ng metro kung saan tanaw na tanaw ko ang lawak ng buong siyudad at ang kagandahan ng nagkikislapang mga ilaw sa mga malalaking gusali.

"Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko..hindi ko--" nilagay niya sa mga labi ko ang hintuturo niya at nanlaki pa ang mga mata ko nang bigla itong lumuhod sa harapan ko at saka inilabas ang isang kahitang kulay asul.

"Will you be my girlfriend Miss Dennisandra del Rio?" madamdaming wika niya.

Napanganga ako at pagkaraan ng ilang sandali ay napatakip naman ako sa aking bibig. Hindi ko naman kasi inaasahan na ganito ang mangyayari ngayon. Masyado yatang naging mabilis ang lahat para sa aming dalawa ni Walter. Kamakailan lang kami nagkakilala at naging malapit sa isa't-isa but then I fell inlove with him. Hindi ko alam kung kailan ko naramdaman na mahal ko siya basta ang alam ko ay bumibilis ang tibok ng puso ko dahil siya ang kasama ko. Nasa kanya na ang lahat..ano pa ba ang hahanapin ko?..I love him and he loves me too then ano pa ba ang hinihintay ko?

Tumango ako.

"Y-yes..yes Walter..Iyo na ako kasi..kasi mahal kita. Mahal na mahal kita." wika ko. Nagliwanag naman ang mukha niya. Naging malawak ang pagngiti nito. Mabilis naman na naisuot niya sa akin ang singsing at saka niyakap niya ako ng napakahigpit at saka sumigaw.

"I love you Dennisandra!!!" sigaw niya. Nag-uumapaw naman sa kaligayahan ang puso ko ng mga sandaling iyon. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kami ni Walter. That's how our love story began.

Hindi siya nagbabago sa akin bilang boyfriend ko. Minsan lang kasi ay hindi niya ako naaasikaso dahil sa dami ng trabaho niya at dahil mahal ko siya ay iniintindi ko siya. Ganun naman kapag nagmahal ka, handa kang maghintay at handa kang umintindi at iyon ang ginawa ko kay Walter. Hindi naman kasi biro ang trabaho niya. He's one of the most famous business tycoon in the Philippines kaya malamang masyadong hectic ang schedules niya.

True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon