Epilogue: True Love to Infinity

11.9K 251 15
                                    

"Train wag mo akong talikuran dahil hindi pa tayo tapos!! Train ano ba!" Hinarang ko ang sarili ko sa pinto para hindi siya makakalabas. We need to talk. We need to clear things out. Hindi siya dapat na mag-walk out!

Tiim na tiim ang bagang niyang napatitig sa akin.

"Don't make this hard for me Sandy! Oo mahal kita! Kahit hindi ka maniniwala sa akin ay mahal pa kita at iyon ang totoo. Sandy.. ikaw ang laman nito." Malungkot na wika niya.

Tumulo ang mga luha ko.

Noon akala ko mahal na mahal ko si Walter but now I realized that I was in love with him because of the thought of it. Dahil sa kanya lang umiikot ang mundo ko noon because he is perfect and romantic at nasaktan ako nung nalaman ko na niloko niya lang ako at palabas lang lahat ng kanyang ipinapakita sa akin. Matagal ko ng alam na hindi ko pala mahal si Walter or maybe I loved him but not that deep dahil mabilis akong naka-moved on at nakalimot.

Nung dumating si Train, I feel safe, I feel home, I feel loved, I feel myself again na nawala dahil kay Walter. Kaya nung nalaman kong nagsinungaling si Train sa akin ay ganun na lang kasakit sa parte ko yun. Mas masakit pa sa ginawa ni Walter ang pagsisinungaling ni Train sa akin because in the first place meron na siyang puwang sa puso ko. Dahil kung wala siyang puwang sa puso ko ay hindi ako masasaktan at hindi ako magseselos sa Yna na yun!

"Pero paano kung sasabihin ko sayong... ayoko ng kaagaw Train?" Wika ko. Titig na titig ako sa kanya.

Napamaang naman siya at napakunot noo.

"What do you mean?" Takang tanong niya.

"Diba, you want to be the father to our kids? Mahal mo ako at gusto mo kaming makasama ng anak mo?" Patuloy pa rin na tumulo ang mga luha ko.

"Sandy, hindi kita maintindihan.."

Sinapak ko siya sa dibdib.

"Just fucking answer me!" Inis na wika ko.

I am a del Rio and a del Rio gets what we want at ito ang gusto kong gawin.

"O-oo.. wh-why are you doing this?" Naguguluhang wika niya.

Pinahid ko ang aking mga luha at saka pinakatitigan siya.

"Okay, papayag ako na maging parte ka ng buhay namin ng mga anak natin basta layuan mo ang Yna na yun. Madamot ako Train and I don't want to share what's already mine to others. Wala akong pakialam kung nauna sa buhay mo ang Yna na yan dahil simula nung ibinigay ko ang sarili ko sayo, You were mine and you are mine till the rest of your life! Sa amin ka ng mga anak ko. Walang Yna at wala ng iba pang babae sa buhay mo maliban sa amin ng mga anak mo. Kung hindi ka papayag then you are free to leave at wag ka ng magpapakita sa amin ng mga anak natin." Lakas loob na wika ko.

Nakanganga siya and then after a while he shook his head and grinned at me.

Namula ang mukha ko. Bahala siya kung ano ang iisipin niya basta iyon ang kundisyon ko sa kanya at hindi ko na babawiin iyon.

Bigla  niyang hinapit ang baywang ko palapit sa kanya kaya napasinghap ako ng malakas. Kumakabog ang dibdib ko dahil ang lapit-lapit lang ng mukha niya sa mukha ko.

Natatakot ako. Natatakot ako na baka sa sobrang kabog ng dibdib ko ay malalaman niya ang nilalaman niyon.

He traced my face. Oh shit! Nakukuryente ako. I can't help but closed my eyes.

"Territorial ka pala Miss del Rio, hmmmnn?" Narinig ko ang mahina niyang pagtawa pero kakaiba ang dating nun sa akin. It's like a music to my ears. Napamulat ako at sinalubong ang nang-aarok niyang mga mata. "I like that huh? Ganyan ka pala kadamot." Wika niya at saka hinalikan ako... sa noo and I hate it.

True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon