Ika-Sampung Yugto

5.6K 150 0
                                        

"Tang ina!" I cursed when I saw Sandy with her jerk husband. Lumabas sila ng restaurant at inakbayan pa ng gagong Walter na iyon ang asawa. Mula rito ay makikita kong napapangiti pa si Sandy na nakatingin sa asawa niya.

Napakunot noo ako.

Nagkabalikan na ba sila? What the hell happened? Akala ko ba ay kakausapin lang ni Sandy si Walter para linawin ang lahat?

I was thinking that she's going to break up with her husband dahil iyon naman ang nakikita ko sa kanya kanina.

Nasuntok ko ang manibela ng kotse ni Sandy. Hindi na niya naaalala na nandito ako at naghihintay sa kanya kasama ang kotse niya.

Shit! Saan ba dadalhin ng Walter na iyon si Sandy?

I found myself following them at hindi ko naman ipinapahalata na sinusundan ko sila.

Nagpupuyos ang kalooban ko sa inis. Magpapakatanga na naman ba si Sandy sa lalaking iyon at pagkatapos ano? Masasaktan siya ulit ni Walter at luluha na para bang wala ng bukas?

Pagkatapos ng sampung minutong sinusundan ko sila ay huminto ang sasakyan ni Walter sa isang condo.

Napakunot noo ako. Lumabas silang dalawa habang magkaholding hands. Tang na! Nagpapaloko na naman si Sandy sa kanya!

Lumabas na rin ako sa kotse at saka sinusundan sila. Isinuot ko anh shades ko para hindi ako masyadong nahahalata na sila ang sinusundan ko.

Sumakay sila ng elevetor. Tinignan ko ang button ng elevator nang magsara ito. They're going to the 5th floor of the building. Hindi ako pwedeng sumabay sa kanila kaya ang ginawa ko ay sa hagdanan ako dumaan. Tumakbo ako para maabutan ko sila.

I don't care kung nagmumukha akong tanga sa kahahabol sa kanila. Sanay naman akong tumakbo dahil nag-gi-gym at nag-eexercise din naman ako tuwing umaga.

Hapong-hapo ako nang dumating sa fifth floor at ganun na lang ang panlulumo ko nang bumukas ang elevator na iba ang lumabas.

"Oh shit!" Mahinang sambit ko. Nahuli ako. Hindi ko sila naabutan. Tang na oh!

Pinahid ko ang pawis na tumulo sa noo ko. Sumisikip anh dibdib ko sa hindi malamang kadahilanan. Gusto kong magwala.

Bakit ko ba ito ginagawa? Buhay ni Sandy at Walter and I shouldn't be cared about them pero heto ako at nagpupumilit na pumasok sa buhay ni Sandy!

Malamang nagkabalikan na sila dahil sa ayaw at sa gusto ko ay asawa niya pa rin si Walter at mahal na mahal niya pa rin ito kahit na nasasaktan na siya. Gusto niya pa ring bumuo ng pamilya kasama asawa niya kahit na gaano pa kagago ang taong yun.

Napapailing at laylay ang balikat na bumalik ako sa aking dinaraanan. Malamang andito sa condo na ito dahil andito ang unit ni Walter and they make up for the lost days na hindi sila magkasama bilang mag-asawa.

Hindi napigilan ang sarili ko at nasuntok ko ang pader na dinaanan ko.

Tanga! Ang tanga mo Train! May-asawa na iyong tao!

"Sir, okay lang ho ba kayo?" Tanong ng isang janitor. Napahilamos ako ng mukha at saka tumango.

"Yes..I'm sorry." Hingi ko ng paumanhin at saka nilampasan ito.

Umalis ako sa lugar na iyon at saka isinauli ang kotse ni Sandy sa mansiyon nila. Nagtanong sa akin ang Mommy at Daddy niya kung bakit nasa akin ang kotse ng anak nila at kung nasaan si Sandy. Sinabi ko na lang na ibinilin sa akin ni Sandy ang kanyang kotse at kaibigan niya ako. Sinabi kong magkasama sila ngayon ng asawa niya.

Pagkatapos magpasalamat ng dalawa ay umalis na ako. Kailangan kong aliwin ang sarili ko.

I found myself at my office.

True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon