Ika-Siyam na Yugto

6K 146 2
                                    

"Bakit niya ako ipinagpalit sa isang bakla Train?..ang sakit-sakit ng ginawa niya. All my life pakiramdam ko ngayon lang ako ginagago ng ganito at hindi ko matanggap sa sarili ko na isang bakla lang ang makakasira sa pamilyang pilit kong binubuo..sa lalaking minahal ko ng lubos. Hindi pa ba ako sapat sa kanya?" Humihikbi pa ring wika ni Sandy. Dinala ko siya rito sa bahay ko sa bundok dahil alam kong kailangan niya munang mag-isip at mag-relax dahil sa nangyaring eskandalo kanina sa mall.

Nais kong iumpog si Walter kanina pero nagpipigil lang talaga ako. Walang hiya talaga ang gagong iyon. Gumawa man lang ng katarantaduhan ay nagpakita pa sa asawa!

Iyak ng iyak ngayon si Sandy. I know how she felt. Masakit iyon dahil pakiramdam niya ay siya ang nagkulang sa asawa niya..na siya ang problema at pinababa niya ang tingin niya sa kanyang sarili.

Nagtalukbong siya sa kama. Awang-awa ako sa kanya.

"Hindi mo siya dapat na iniiyakan Sandy. He's not worth it for your tears. Hindi ikaw ang nagkulang at hindi ikaw ang may problema. Wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. May dahilan ang lahat kung bakit nangyayari iyon." Halos bulong na lang iyon na lumabas sa bibig ko.

Gustong-gusto ko ng sumuntok ng tao ngayon. Naiinis ako. Sana gumawa ako ng paraan kanina para hindi siya masaktan ng ganito.

"Pero bakit sa akin Train? Bakit sa akin nangyayari iyon gayong nagpapakabait naman ako sa kanya. I was trying all my best para maging isang mabuting asawa sa kanya but still it's not enough.." wika niya. Kagat-kagat niya ang kanyang labi at namumula na ang kanyang ilong at mugto na ang mga mata niya sa kaiiyak. Umaalog ang kanyang balikat dahil sa paghikbi niya.

Napabuntong hininga ako.

Kung kaya ko lang bawasan ang sakit na nararamdaman niya ngayon ay ginawa ko na. Naaawa ako sa kanya.

Kumuha ako ng upuan at saka umupo doon habang nakaharap sa kanya.

Hindi na ako nahiyang hawakan ang mga kamay niya.

Oh God! She's so miserable.

"Wala kang kasalanan Sandy kaya wag mong sisihin ang sarili mo. Hindi ikaw ang nagkasala sa marriage niyo..it's him. Hahayaan mo bang isipin niyang nasasaktan ka at pwede ka niyang paikutin kahit kailan niya gusto? Face him Sandy and show him what he's lossing right.. he losses his chance to be with you. He losses the most beautiful woman in the whole universe. He losses you dahil sa panggagago niya sayo. Wag mong hayaan na pagtawanan ka niya dahil naiisip niyang kahit anong gawin niyang katarantaduhan ay matatanggap mo pa rin siya dahil mahal na mahal mo siya ng husto. Marami ka pang magagawa sa buhay without him. Hindi ko siya sinisiraan sayo Sandy dahil asawa mo siya pero iniisip ko lang kung ano ang mas makakabuti sayo. If you want to talk to him at kung natatakot kang puntahan siya then I'm here. Sasamahan kita." Seryosong wika ko.

Bumangon ito at saka naupo sa kama ko. Patuloy pa ring tumutulo ang mga luha nito. She stared at me ng ilang minuto na para bang nag-iisip kung ano ang tamang gawin.

"T-thank you. Thank you because you're here for me. Hindi mo ako iniwan at iyon ang mahalaga sa akin ngayon..na may tao ako makakaramay sa mga sandaling ito. Tama ka, siguro panahon na para linawin ko ang tungkol sa aming dalawa. Kailangan kong malaman ang totoo kaysa naman para akong tanga na umaasa na babalik siya sa akin. Dapat hindi ko hinahayaan ang sarili ko na pagtawanan niya dahil nasasaktan ako sa mga ginagawa niya." Humihikbing wika niya.

Tumango ako at pinisil ang kamay niya.

Nabigla pa ako nang yakapin niya ako ng mahigpit.

"Paiyak muna Train ha. Ibubuhos ko na ang lahat ng sakit sa puso ko para bukas mababawasan man lang ang sakit." Wika nito.

True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon