Ikalabingtatlong Yugto

5.9K 167 0
                                    


"I'll pay you..just make me pregnant at sisiguraduhin mo lang na hindi ka magsusumbong sa asawa ko."


Kulang ang sabihing nagulat ako sa mga pinagsasabi ni Sandy. Napaawang ang bibig ko at matagal akong hindi nakapagsalita habang siya ay nakaupo sa sofa ko dito sa condo unit ko sa city. Hindi naman niya alam na ako ang nagmamay-ari ng condo na to. Ang alam lang niya ay pinatira lang ako ng boss ko dito.

Isang buwan siyang hindi nagpakita sa akin simula nung nagpunta kami sa lawa at ngayon ay magpapakita siya sa akin at ganito ang sasabihin niya?!

"Train! Nakikinig ka ba sa akin?!" Pukaw niya sa akin.

Napapakunot ang noo ko na nakatitig sa kanya.

Yes, maybe I had a special feelings for her. Maybe I'm inlove with her pero hindi ibig sabihin nun na pwede na niya akong gawing kabit. Gusto ko na ligawan siya kapag tapos na talaga sila ni Walter and I'm willing to wait kahit ilang taon pa ang aabutin ko. Gusto kong idaan ang lahat sa tamang proseso.

"What the hell were you thinking Sandy?! For God sake! You're a married woman and yet you talk to me like that?!" Wika ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga pinagsasabi niya. I mean, me being the father of her child is a big chance for me para magkaroon ako ng karapatan sa kanya pero hindi sa ganitong paraan. Wala sa plano ko na gawin ito habang nakatali pa siya kay Walter. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao sa kanya?

I am just protecting her from everyone lalo na sa mga mapanghusgang tao!

I can't afford to see her crying and be hurt because of the decision she made.

Tumayo ito at saka niyakap ako and fuck! Hindi niya ba alam na sa tuwing lalapitan niya ako at niyayakap ay nahihirapan akong kontrolin ang sarili ko?!

I am imagining things about her simula nung may nangyaring insidente sa aming dalawa sa lawa.

"Sandy, wag ganito." Pagpipigil na wika ko pero hindi pa rin ito tumigil sa kakayakap sa akin and shit! I'm getting hard!

"Please Train. I need your semen for me to have a baby. Gusto ko ng magkaroon ng anak at wala na akong ibang maisip kundi ito. Matagal ko ng pinag-isipan ito and this is it. It's final!." Wika nito na para bang natural na natural lang iyon sa kanya.

Kumalas ako at saka hinarap siya.

"You're insane Sandy! Kasalanan ang gagawin mo dahil nakatali ka pa kay Walter. Kung ano man yang binabalak mo ay wag mo ng ituloy dahil baka pagsisihan mo lang yan sa huli." Wika ko.

Umiling ito at saka sumeryoso.

Pinamaywangan niya ako.

"Yes I'm married to him pero sa papel na lang yun ngayon Train. In reality, we're a strangers to each other. Oo sinaktan niya ang damdamin ko pero gusto ko ng mag-move on. Habang wala ako dito ng isang buwan ay napag-isip-isip ko na ang lahat. I want to bear a child. Kung hindi ko yun makukuha sa asawa ko then I'll find a sponsor---a good looking guy at naisip kita. Kung papayag ka na hihingi ako ng kahit ilang semilya mo then wala na akong problema at kung hindi ka naman papayag then I'll find another sponsor. Syempre hindi naman yun libre kaya magbabayad ako ng malaking halaga para dun." Wika nito.

Lalong nanlaki ang mga mata ko.

"W-What?!" Hindi makapaniwalang sambit ko. Naiisip ko pa lang na hahawakan siya ng ibang lalaki bukod sa asawa niya ay parang gusto ko ng pumatay ng tao. Paano pa kaya kung hahanap siya ng ibang lalaki para maging ama ng anak niya?! Matatanggap ko pa na si Walter ang magiging ama ng anak niya dahil may karapatan ang lalaking iyon sa kanya pero kapag ibang lalaki ay ibang usapan na yun!

True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon