Natigilan ako nang tanungin nito sa akin kung gaano ko kakilala ang asawa niya. God knows kung gaano ko kakilala ang asawa niya at iyon ang dahilan kung bakit kailangan ko siyang ilayo sa walang hiyang Walter na yun. She's not deserving for him!
Pero hindi ko pwedeng sabihin kay Dennisandra na kilalang-kilala ko ang asawa niya. Ayokong maging dahilan iyon para hindi ko siya matulungan. Well, she's special. Lahat naman ng babae para sa akin ay special dahil naniniwala ako na ang babae ay hindi dapat sinasaktan at ginagawang alila at mas lalong ang babae ay hindi dapat gawing parausahan. I might have much money and I can buy womens out there pero sa tanang buhay ko ay hindi ko nagawa yun. Mataas ang tingin ko sa mga babae dahil iyon sa Mama ko na matagal nang namayapa.
My mother was a battered wife and she was a sex slave by my step father. Ayoko ng balikan ang pangyayaring iyon.Mula noon ay ipinangako ko na lahat ng babaeng makikilala ko ay itrato ko ng maayos. Maybe I am rude sometimes pero hindi naman ako lumampas sa point na nananakit na ako ng babae.
"Train! Ano ang nalalaman mo tungkol sa asawa ko!? May itinatago ka ba sa akin?! Please tell me!" Tanong nito na para bang maiiyak na. Gusto kong sapakin ang aking sarili. Hindi ko kasi napigilan ang galit ko kay Walter kaya kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig ko.
Umiling ako at saka idinaan ko sa mahinang tao ang tanong niya kaya naman ay sinapak niya ako.
"Aray! Ang brutal mo ha!"
"Tinatanong kita at seryoso ako pero nagawa mo pang tumawa?! Gago!" Wika nito.
Tinitigan ko siya.
"Because I don't know your husband. Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na maaaring hindi ka na niya mahal. Lalaki ako Sandy and I knew how man works. Kapag iniiwasan na ng mga lalaki ang isang babae ibig sabihin nun hindi na siya kailangan ng lalaki. Now, if you still care about yourself then forget about him. He doesn't deserve to be love by you. Nagsasayang ka lang ng pagmamahal at dun pa sa maling tao." Wika ko.
She pouted at saka nagsimula ng tumulo ang mga luha niya kaya napanganga na naman ako. Ano na naman ba ang ginawa ko?!
"Kaya mo ba ako dinala rito para insultuhin ako Train? Siguro sa kaloob-looban mo ngayon ay masaya kang nakikita ako na lalo pang nahihirapan sa sitwasyon ko. You know what I felt right now? I felt so angry! I felt so bullshit dahil tanga ako! Tanga ako Train dahil hindi ko maamin sa sarili ko na maaaring hindi na ako mahal ng asawa ko! Hanggang ngayon ay umaasa ako na babalik siya sa akin at sasabihin niyang nagkamali siya at mahal niya pa rin ako. Ang sakit-sakit naman! He shouldn't promised me the love that I want! He shouldn't proposed me para hindi ako nagpakasal sa kanya at hindi ako masaktan ng ganito!" Napahikbi na ito ng tuluyan. Inalo ko ito.
"Pshhhh.. Everything's happened for a reason Sandy. If you want to know the answers to your question then make a way. Don't just stand and cry like a baby girl who lost her candy. Hindi mo masusolusyunan ang problema mo kung hindi ka kikilos." Wika ko dito.
Hikbi ang naririnig ko sa kanya.
I hugged her.
She needs to be comfort right now.
"Train.."
"Hmmm?"
"Am I ugly? Iyong totoo Train."
Napapailing ako. She shouldn't ask that because she's really beautiful. Kung nandito lang si Walter sa harapan ko ngayon ay malamang na kanina ko pa iyon binubugbog hanggang sa hindi na ito makahinga. Wala akong pakialam kung kaya niya akong ipapatay pagkatapos nun!
Gago siya para paiyakin ang isang tulad ni Dennisandra. She's a woman for God sake!
"Hindi na kailangang itanong yan Sandy because you are beautiful just the way you are." Wika ko.

BINABASA MO ANG
True Love
RomanceSYPNOSIS: "I'll pay you..just make me pregnant at sisiguraduhin mo lang na hindi ka magsusumbong sa asawa ko."- Dennisandra del Rio. She has everything..money, luxuries and beauty..she even married to a very popular business tycoon but she still fe...