Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Hindi naman ako pabor sa suggestion ni Hemera pero heto ako ngayon parang baliw na sinusubukan ang suggestion nito at baka sakaling umumbra kay Walter ito. I cooked his favorite food. I even called his Mom for it kasi hindi ako marunong magluto and I don't even know what's his favorite. And then I realized na marami pala akong hindi alam sa asawa ko. Ni hindi ko alam kung ano ang paborito niyang pagkain, paborito niyang kulay, paborito niyang pasyalan, paborito niyang gawin. Lahat yata ng paborito niya ay hindi ko alam. Simpling mga bagay na tungkol sa asawa ko ay hindi ko alam. Siguro naging mabilis lang talaga ang mga bagay-bagay sa buhay namin ni Walter. I married him without knowing with each other. Ni hindi nga rin niya alam kung ano ang gusto ko. Minsan naiisip ko na kaya lang niya ako pinakasalan ay dahil gusto lang niya ng may matatawag na asawa pero in reality ay hindi naman talaga niya ako kailangan. Eh mas mahalaga pa sa kanya ang trabaho niya. He's the president of his own company. He's a billionaire but still the money that he had is not enough for him. I wanted to say to him na hindi ko naman kailangan ng pera dahil meron ako nun. Kahit na hindi siya magtrabaho ng todo ay mabubuhay naman kami because I managed the winery that the Villa del Rio had. Actually dalawa kami ni Hemera na nagmamanaged ng winery. Ako ang nagmamanaged ng local wines namin dito sa Pilipinas at si Hemera naman ang nagmamanaged ng mga export wines namin. Mabubuhay ko ang asawa ko kahit na hindi siya magtatrabaho. Isa lang naman ang gusto ko, I wanted to have a child. Gusto kong mag-alaga ng sarili kong anak. I want an inspiration maliban kay Walter.
Napabuntong hininga ako. Siguro kailangan ko lang suyuin ang asawa ko. Kailangan ko lang ng konti pang pag-unawa sa kanya. We can work out this marriage because he promised to love me for the rest of his life and I promised him too for that. Hindi ko babaliin ang pangako kong iyon sa kanya.
"Thank You Mom. I've done cooking Walter's favorite. Thanks to your help." wika ko sa Mommy ni Walter. Nag-iisang anak lang si Walter at masyado itong bini-baby ng Mommy niya. Tumawag talaga ako para tanungin kung ano ang paborito ng asawa ko at dahil hindi ako marunong nun ay kinailangan ko pang humingi ng recipe mula rito.
"You're always welcome hija. Oh siya sige, I need to go. May gagawin pa ako. Enjoy the night." wika pa nito. Napangiti ako dito at saka nagpaalam na rin.
Inamoy ko ang niluto ko at saka tinikman iyon. Napapikit pa ako.
"Hmmm..perfect!" I exclaimed. Niluto ko yung Binalayok na paborito ni Walter. It's a tinola native chicken na ginamitan ng tubig ng buko as a soup. Tapos nilagyan ko ng kaunting scrape buko at mga spices and tadannn!! perfect.
Mabilis kong pinatay ang stove at saka nagmamadali akong umakyat sa taas. Nagshower ako at saka isinuot ko ang kulay pulang nighty lingeree na bigay naman sa akin ng pinsan kong Hadley noong kasal ko. Pinatuyo ko ang buhok ko at saka niladlad. Naglagay ako ng pulang lipstick sa labi at saka nagpabango ng bongga.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
"Seductive..." bulong ko. Kitang-kita ang hubog ng katawan ko, kumikinang ang mala-porselana kong balat. Nakalugay ang long auburn hair ko. Halos kita na ang dibdib ko. Well, I am so blessed to have this perfect body. I have a perfect boobs. I have a long white legs.
Ang iksi ng suot ko and everyone see's me in this clothes will caught their breath.
"Bato na lang si Walter kapag hindi pa rin siya maaakit sa hitsura ko." bulong ko. Ang ganda ko. I looked so seductive at imposibling hindi maaakit sa akin ang asawa ko.
Magtatampo na talaga ako kapag hindi pa rin niya ako papansinin. Isang taon na akong tigang sa asawa ko. For God's sake! I don't want to become a virgin wife forever!..Nakakahiya na ngang sabihin sa mga kaibigan at sa pamilya ko na hanggang ngayon ay virgin pa rin ako kahit na isang taon na akong kasal sa asawa ko. Daig ko pa ang mga wife na nag-abroad ang mga asawa. Eh sa kasamaang palad hindi naman nag-abroad ang asawa ko. Buti pa nga yung abroad ang asawa nila ay nakakapagpulot-gata pa sila sa tuwing uuwi ang mga ito sa mga asawa nila samantalang ako, everyday andito naman ang asawa ko, umuuwi sa akin but it seems like he's not around. Pakiramdam ko tuloy, I am just a trophy wife. Wala akong silbi sa kanya. Kaya ngayong gabi, I need to become a real wife to him. Kung kailangan gahasain ko siya ay gagawin ko tutal ay asawa ko naman siya at walang masama doon.

BINABASA MO ANG
True Love
RomanceSYPNOSIS: "I'll pay you..just make me pregnant at sisiguraduhin mo lang na hindi ka magsusumbong sa asawa ko."- Dennisandra del Rio. She has everything..money, luxuries and beauty..she even married to a very popular business tycoon but she still fe...