Isang linggo na ang lumipas simula nung huli naming pag-uusap ni Train at hindi naman niya ako ginulo pa which is a good thing for me.
Ang bilis niyang sumuko. Ang sabi niya mahal niya ako pero kaagad siyang sumuko. He is not worth it! Tama lang na hindi ako nakinig sa mga sinasabi niya. Tama lang na hindi ako naniniwala sa kanya. Pinatunayan niya lang na ang lahat ng sinasabi niya ay pawang kasinungalingan lamang!
"Mi! Mi! I want to play the slides.." wika ni Cometonna. Kasalukuyan kaming namamasyal sa isang Park na malapit lang sa tinutuluyan naming bahay.
"Ako din Mi." Wika naman ni Galaxenna.
Ngumiti ako.
"Yeah sure. Dito lang ako uupo sa bench at wag na wag kayong lalayo sa akin. Understood mga darlings?" Wika ko at saka ginulo ang mga buhok nila. Magkamukhang-magkamukha talaga ang mga anak ko kaya gustong-gusto ko na pareho talaga sila ng suot pero ayaw naman ni Galaxenna na parehas ng kulay ang susuotin nila dahil baka raw hindi ko na siya makikilala at mapagkakamalan ko siyang si Cometonna. Gaya ngayon, they are wearing jumpsuits but they have different colors of it. Paboritong kulay ni Galaxenna ay white at ang paborito naman ni Cometonna ay black. Ewan ko sa mga anak ko. Kabaliktaran ng isa't-isa ang gusto nila pero kahit ganun ay close naman silang dalawa.
Natutuwa ako nang matanaw ko sila na nag-eenjoy sa paglalaro nang tumunog ang phone ko.
It was my Mom. Palagi naman silang tumatawag sa akin at palagi nilang ipinaparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa sa buhay ko. Binibisita naman nila ako dito sa Paris. Noong nakaraang buwan ay binisita ako nina Kuya Dennis at Yumi at noong nakaraang linggo naman ay sabay na bumisita sa amin si Antoneth at Denver. Hindi nila ako iniwan kahit na malayo ako sa kanila.
"Hi Mom! What's up?" Wika ko pagkasagot ko sa tawag niya.
"Nangangamusta lang anak! Kumusta ang mga apo ko? I really missed them hija. Sana naman makakauwi na kayo dito sa Pilipinas kasi naman wala ng nag-iingay dito sa bahay. Ang Kuya Dennis mo ay lumagay na rin sa tahimik kasama si Yumi. Si Denver naman ay ayun panay wala dito sa mansiyon dahil doon na namalagi sa unit niya dahil ayaw yata niyang mabuking ko siya sa dami ng mga babaeng dinadala niya sa pad niya. Si Antoneth naman ay palagi ring wala. Alam mo naman ang bunsong iyon hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago. Palagi pa rin siyang wala sa bahay at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Masyadong malihim iyon. Kami nalang ng Dad mo ang naiiwan dito sa mansiyon. Binibiro na nga ako ng Dad mo na gagawa na lang kami ng bagong baby para meron na raw kaming pagkakaabalahan sa tuwing wala kaming trabaho." Wika nito.
I laughed whole heartedly.
Naiimagine ko kasi na sinusuyo siya ni Dad. I really love my parents very much. For me they are a symbol of True Love.. an eternity. Dahil kahit matatanda na sila ay hindi nababawasan ang pagmamahalan nilang dalawa. Kagaya nga ng palaging sinasabi ni Dad sa amin na bawat araw na nakakasama niya si Mom ay nadadagdagan lalo ang pagmamahal niya dito. According to my Mom, wala ng mas hihigit pa sa pagmamahal niya para kay Dad at kung mawala man raw siya sa mundong ibabaw at bigyan ng pagkakataong mabuhay ulit ay si Dad pa rin ang pipiliin niyang mahalin.
Their love inspires me.
"Grabe ka Mom ha! Ang tatanda niyo na! And come to think of it, ang tatanda na rin namin para magkaroon ng kapatid. Eww! Maghunus-dili ka mahal na ina!" Natatawang wika ko.
Natatawa na rin ito.
"But why not? Kahit matatanda na kami ng Dad mo, we always do that at hindi ko naman ikinakahiya iyon." Wika nito.
"But eww talaga Mom!" Sambit ko na napapailing.
"But seriously anak, please come home. Matatanda na kami ng Dad mo and I want us to be reunited again. Iyong gaya ng dati. Namimissed ko na kayo eh." Wika nito.
BINABASA MO ANG
True Love
RomanceSYPNOSIS: "I'll pay you..just make me pregnant at sisiguraduhin mo lang na hindi ka magsusumbong sa asawa ko."- Dennisandra del Rio. She has everything..money, luxuries and beauty..she even married to a very popular business tycoon but she still fe...