"What are you doing here Train? Bakit agad-agad kang nagpakilala sa mga anak ko?! Train naman! Bakit mo ako pinangunahan?!" Mariing wika ko. Nasa kwarto kaming dalawa dahil hinila ko siya.
Naglalaro ang mga anak ko sa sala habang si Grasya ay nagluluto.
Pinamaywangan niya ako at saka hinaplos niya ang kanyang baba. Bullshit! It makes him so hot!
"I don't want to wait for another years to see my daughters Sandy! Magulang ka rin at alam mo kung ano ang mararamdaman ng isang magulang kapag pilit na inilalayo sa kanya ang kanyang anak. Tao ako Sandy, I have feelings too at nasasaktan ako na itinatago mo sa akin ang mga anak ko!" Wika niya.
Nagpalakad-lakad ako.
"Ano? Kukunin mo ang mga anak ko pagkatapos nito?! Iyan ba ang plano mo Train?!" Galit na wika ko. Kuyom na kuyom ang mga palad ko.
Umiling siya.
"Hindi." Napahinto ako at napatingin sa kanya. "Nanay ka ng mga anak ko Sandy kaya bakit ko sila kukunin sayo? Gusto ko lang maging ama sa mga anak ko. I want to give them a family they deserve. I want to give them the love of a father. Hindi ka ba naaawa sa mga anak mo kanina kung gaano sila kasaya na makita ako? Hindi ka ba naaawa kay Cometonna nang sabihin niya na malaki ang pagpapasalamat niya dahil natupad na ang matagal na niyang ipinagdasal? Hindi mo ba kayang ibigay ang kasiyahan ng mga anak mo? Matatanda na tayo Sandy at sana naman wag na nating paiiralin ang mga pride natin. Hindi ko na kailangang magpaliwanag kung paano ako nagpapakilala sa kanila bilang ama nila at kung paano ko nalaman na nandun ako sa Park na iyon at alam ko kung ano ang ginagawa niyo. Alam ko hindi mo ako mapapatawad sa ginawa ko sayo pero sana naman magiging civil tayo sa isa't-isa para sa mga anak natin." Wika niya.
Natahimik ako. Isa lang naman ang pumasok sa isipan ko. Sinusundan niya kami. Siguro matagal na niyang alam na may mga anak na kami.
Tama naman siya and I hate it!
Ibig sabihin lang nun ay talo ako!
"Sige. Magiging civil tayo sa isa't-isa para sa mga anak natin Train basta ipangako mo lang na hindi mo sila kukunin sa akin dahil kapag ginawa mo yun ay magkakamatayan tayong dalawa!" Wika ko at siya namang pagbukas ng pinto at pumasok ang kambal.
"Mi! Mi! Galit ka?" Tanong ni Cometonna. Nagkatinginan kami ni Train.
"Are you two fighting?" Tanong naman ni Galaxenna.
"Hindi!!" Magkapanabay pa kami ni Train.
"Sige nga, Di, ikiss mo si Mi sa lips." Wika ni Cometonna.
Muntik pa akong mabulunan sa sarili kong laway sa request ng anak ko.
Tumingin ako kay Train and he was grinning.
Nabigla ako nang hapitin niya ako sa baywang and claimed my lips. Matagal at masuyo ang halik niya like he was missing me.
"Ihhhh!!" Naglulundag ang kambal na tila ba kinikilig.
Una akong nagbawi at saka hiyang-hiya ako sa sarili. Alam ko namumula ang mukha ko sa hiya.
"Oh ayan mga angels, nikiss ko na ang Mommy niyo. Okay na?" Pumantay si Train sa mga ito.
Sabay na tumango ang mga ito at masayang yumakap sa kanilang ama.
"Di, wag na ikaw alis ha." Wika ni Cometonna.
Tumango si Train.
"Yes baby. Hinding-hindi ko na kayo iiwan. We will face our tomorrow together." Wika nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/38679736-288-k537786.jpg)
BINABASA MO ANG
True Love
RomansSYPNOSIS: "I'll pay you..just make me pregnant at sisiguraduhin mo lang na hindi ka magsusumbong sa asawa ko."- Dennisandra del Rio. She has everything..money, luxuries and beauty..she even married to a very popular business tycoon but she still fe...