Ikalabing isang Yugto

5.8K 148 3
                                    

"What happened?" Nag-alalang tanong ko. Pinapasok ko siya sa bahay at saka dinala sa kusina. Pina-inum ko siya ng tubig at pina-upo. Mugto na naman ang mga mata niya at sumisigoksigok pa siya.

"T-Train, mali bang binigyan ko siya ng second chance?" Tanong nito.

Hindi ako nakaimik. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang Walter na yun at hindi na magbabago ang ugali niya.

Nanatili lang akong nakatitig sa kanya.

"Sinayang niya lang ang pagkakataong ibinigay ko sa kanya. Nasaktan ako Train. I thought he loves me pero parang unti-unti na talaga akong naniniwala na hindi na niya ako mahal at kaya lang siya bumalik sa akin because of the pride at para hindi magalit ang parents niya sa kanya." Wika nito.

I cupped her face.

"Hindi mo na kailangan pang maghabol sa kanya Sandy. Binigyan mo na siya ng ikalawang pagkakataon pero sinayang niya iyon. It's not your fault dahil unang-una palang ay wala ka namang kasalanan sa kanya. Can you please give me a favor?" Wika ko.

"What favor?" Maang na tanong niya.

"Please don't cry for him dahil nasasaktan ako na nakikita kitang lumuluha dahil sa kanya." Wika nito.

Her mouth is little bit open. She's looking at me intently.

"Because you're like a little sister to me at higit sa lahat ay kaibigan kita Sandy." Patuloy ko para mawala ang kung anuman ang iniisip niya.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

Hindi pa pala ako nakapagbihis but I let her hugged me. Wala namang malisya iyon sa kanya. Ako lang naman ang dirty minded. I was thinking of dirty things about her while she's hugging to me. All I could do is to control myself because she needs me. Kahit na naiinis ako kanina sa kanya nang tumawag siya sa akin sa opisina ay nawala iyong inis ko na parang bula nang pagbuksan ko siya kanina ng pinto. I saw how vulnerable she was and I know she needs me.

"I missed you. Saan ka ba kasi nagtatago at hindi kita makontak? Tumawag ako kanina sa office niyo but you didn't talk to me." Nagtatampong wika niya.

"Okay, I'm sorry. I was just too busy. I'm here. Promise." Pagsisinungaling ko.

I don't know pero andito naman ang sarili ko at nangangakong hinding-hindi ko siya iiwan.

Pinahid ko ang mga luha niya at dinala sa room ko para makapagpahinga.

"Kailangan mo munang magpahinga para may lakas ka." Wika ko.

Tumango ito.

"T-Train, wag mo akong iiwan. Kailangan kita." Wika nito.

Napatitig ako rito na tila ba hindi makapaniwala na sinabi niya iyon sa akin.

Tumango ako.

"O-of course! Don't worry andito lang ako." Wika ko dito.

Hinawakan niya ang kamay ko at nagulat ako nang may naramdaman akong kakaiba. Naramdaman ko ang tila kuryenteng dumaloy patungo sa buong pagkatao ko.

Oh God help me to conquer this feelings.

"Pasensiya na sa abala Train. Nasa Boston ang Mommy at Daddy ko. Wala rin ang kuya ko dahil hinahanap niya si Yumi. Hindi ko naman mahagilap ang dalawa ko pang kapatid dahil busy iyon sa kani-kanilang buhay. Si Hemera naman ay nasa business meeting sa Paris. Wala na akong ibang maisip puntahan kundi ikaw. Ikaw lang kasi iyong nakakaintindi sa akin. Ayoko namang mapauwi ang parents ko ng maaga. Pasensiya ka na talaga." Wika nito.

True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon