Five Years Later.....
"Mi! Mi! Milk..hungly.." my four year old daughter Galaxenna approaching me. Kasunod nito ang kakambal na si Cometonna. Weird names but it is unique. I named them after Galaxy and Comet para maiba naman.
Kararating ko lang galing sa trabaho. We were in Paris. Nag-mamanage pa rin ako sa winery ng angkan namin, yun nga lang ay dito na ako naka-base sa ibang bansa. Si Hemera ang namamahala sa winery namin sa Pilipinas. Last two years ay sa New Orleans kami tumira ng mga anak ko dahil na rin sa trabaho ko at pagkatapos nun ay lumipat na naman kami dito sa Paris dahil nandito na naman ang assignments ko tungkol pa rin sa trabaho ko. Kung nasaan ako ay doon din ang mga anak ko. Hindi ko kasi kaya na mahiwalay ako sa mga anak ko kaya as much as possible ay kasama ko sila palagi kahit pa gaano ka hectic ang schedules ko.
They are my everything.
Niyakap ko ang dalawa kong prinsesa.
"Bonsoir Princesses! Where's Nanny Grace?" Inilapag ko ang bag ko sa sofa and I opened my arms wide for the both of them. Niyakap nila ako at saka pinugpog nila ako ng halik.
Nakakawala ng pagod ang mga anak ko. They're such a good blessing I ever have. Sila ang tunay na kayamanan ko.
"Bonsoir Signora!" Papungas-pungas na wika ni Nanny Grace na kagagaling lang sa kitchen.
"Bonsoir Grasya! Ipagtimpla mo itong mga anak ko ng Gatas. They're hungry. Nakaluto ka na ba?" Wika ko dito. Pinay din ang kinuha kong tagapag-alaga ng mga anak ko at nang sa ganun ay kahit nasa ibang bansa kami ay makasanayan ng mga anak ko ang pagiging isang Pilipino.
"Si Signora...Ihahanda ko na rin po ang pagkain. 'Nga pala Signora, may dumating pong bulaklak kanina para po daw iyon sa inyo. Galing na naman kay Anonymous po." Wika nito.
Tumango ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakilala ang anonymous na yan. Noong nasa New Orleans pa kami tumira ay wala namang nagpapadala sa akin ng bulaklak. Nang isang taon na kami dito sa Paris ay saka naman may nagpaparamdam sa akin. Lahat ng mga cards niya ay anonymous ang nakalagay. Hindi ko alam kung sino ang misteryosong nagpapadala sa akin ng mga bulaklak. Tinanong ko naman si Grasya pero ang sabi niya ay hindi niya alam dahil kapag may nag-doorbell raw at binuksan ang pinto ay bulaklak lang ang naiwan sa pinto. Wala naman raw'ng tao.
Secret admirer?
Kinilabutan ako sa naisip. Wala na sa isip ko ang mag-entertain ng mga manliligaw dahil sapat na ang mga anak ko na makasama habang ako'y nabubuhay. Wala ng iba pa..
"Mi, laro kami sa plaza ni Galaxenna kanina at nasa-sad ako kasi I saw my friend with her Dad. They played happily. Mi, may Daddy kami?" Napalunok ako sa sinabi ni Cometonna. She looked at me with her innocent face. Para namang pinipiga ang puso ko.
Halos araw-araw nalang yata ay tinatanong niya sa akin kung may Daddy ba sila at kung nasaan ang Daddy nila. Kinakabahan ako lalo na ngayon na lumalaki na ang mga anak ko. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na gustong makilala ng mga anak ko ang ama nila.
"U-uhmm..Daddy, he..he works..yeah he works in the Philippines that's why he's not here with us. At saka ayaw niyo ba si Mommy? Hindi pa ba sapat si Mommy sa inyo kaya naghahanap kayo sa Daddy niyo?" Alibi ko.
Lumungkot lalo ang mukha ni Cometonna. Siya kasi iyong mas sensitive at emotional sa kanilang dalawa ni Galaxenna kabaligtaran naman ng huli. Lahat sila ay walang itinira sa akin dahil nagmana talaga sila sa ama nila.
"Inggit kami Mi. Gusto ko ng Daddy tulad ng friends namin. " Wika naman ni Galaxenna. She pouted her lips.
Napabuntong-hininga ako.
BINABASA MO ANG
True Love
RomanceSYPNOSIS: "I'll pay you..just make me pregnant at sisiguraduhin mo lang na hindi ka magsusumbong sa asawa ko."- Dennisandra del Rio. She has everything..money, luxuries and beauty..she even married to a very popular business tycoon but she still fe...