"Adieu Signora Sandra." Wika sa akin ng sekretarya ko. Papauwi na ako nang mapadaan ako sa table niya.
Pagod na pagod ako sa maghapong pagtatrabaho sa kompanya and I'm missing my two angels already.
Ngumiti ako dito.
"Adieu Joan. Don't forget your report tomorrow." Wika ko at saka nilampasan siya. Nagmamadali akong makauwi. I am excited to see my daughters. Mawawala kasi ang pagod ko kapag nakikita at nakakapagkulitan ako sa kanila.
Pinaharurot ko ang aking kotse. Bumagal lang ako nang mag-red ang traffic light at saka ako huminto ngunit nainis ako nang bigla akong inungusan ng isang itim na kotse at mukhang nabunggo ang sasakyan ko dahil naalog ako sa loob ng malakas.
Putang ina! Nagmamadali pa naman ako para makita ang mga anak ko pero inungusan pa ako ng walang hiyang kotseng ito at babanggain pa ang kotse ko?!
Umibis ako ng sasakyan at saka nilapitan ang itim na kotse nang mapagtanto kong may gasgas ang kotse ko.
Inis na kinatok ko ng malakas ang bintana. Namaywang ako.
Pakshet! Ang tagal pang buksan!
Kinatok ko ulit ito ng malakas at muntik pa akong mapasubsob nang biglang bumukas ang bintana.
"Zut Merde!!" Mura ko at saka napaayos.
"I'm sorry.." napasinghap ako at lumipad ang tingin ko sa driver.
Napaawang ang bibig ko at saka kumabog ng husto ang dibdib ko.
Para akong napako sa kinatatayuan ko.
No! This isn't true!
"Sandy, I'm sorry.." wika niya.
Napapailing ako at saka mabilis na bumalik sa kotse ko at pinaandar iyon nang mag-go ang traffic light.
Kabang-kaba ako. Kumakabog kasi ng husto ang dibdib ko.
Hindi!
Why is he here? Ano ang ginagawa niya dito sa Paris? Does he know about our daughters?
No? Hindi maaari! He can't claim my daughters from me! Wala siyang karapatan sa mga anak ko kahit pa siya ang ama ng mga ito!
Marami akong dahilan kung bakit ayaw kong makuha niya ang mga anak ko. I have so many grounds against him!
Gumugulo ang isipan ko. Ginugulo lang ng lalaking iyon ang buhay kong tahimik na sana. Hindi naman ako papayag na mananalo siya sa labang ito!
I found myself at the bar. Hindi na muna ako umuwi dahil natatakot ako- natatakot akong masundan niya at malalaman niya ang tungkol sa mga anak ko. I texted Grasya to take care of my two angels. Ang sabi ko wag na muna nila akong antayin dahil may nilakad ako.
I was a bit shakey while drinking a wine I ordered. Iniisip ko ang mga posibling mangyari sa amin ngayong nandito sa Paris si Train.
Kahit hindi kami nakapag-usap noon ay wala naman na sa akin ang lahat ng nang-yari.
BINABASA MO ANG
True Love
Lãng mạnSYPNOSIS: "I'll pay you..just make me pregnant at sisiguraduhin mo lang na hindi ka magsusumbong sa asawa ko."- Dennisandra del Rio. She has everything..money, luxuries and beauty..she even married to a very popular business tycoon but she still fe...