Ikalimang Yugto

6.7K 181 4
                                        

"Kailangan niyo yang ipakulong Chief dahil nabangga ho niya ang kotse ko! lintek na! ang mahal-mahal ng kotse ko tapos binangga lang niya! Hindi niya ba alam ang halaga ng Bugatti Veyron ko?! At saka ang bastos niya pa!" galit na galit na wika ko. Kasalukuyan kaming nasa police station dahil nakakaabala na raw kami sa mga motorista kanina kaya dito na lang kami pag-aayusing dalawa.

"Excuse me Mrs.Dela Monte, ako ang nauna pero mukhang kung saan-saan siguro lumilipad ang isip mo kaya hindi mo napapansin na inungusan mo ako! at saka hindi ko naman sinasadya ang pagbangga sayo!" wika rin ng lalaki at saka tumaas pa ang gilid ng labi nito. Inaasar niya ba talaga ako?

"Ang kapal ng muk--"

"Ma'am, Sir, hindi niyo ba talaga maaayos ang gusot niyong dalawa?. Naririndi ako sa inyong dalawa eh. Kanina pa kayong dalawa nagbabangayan." wika ng police sa harapan namin.

"Gusto ko lang naman na pagbayaran ng lalaking ito ang nasira niya sa Bugatti ko Chief. Mahal ko yung kotse ko na yun! May sentimental value yun!" naiiyak na wika ko. Walang hiya talaga tong mayabang na lalaking to!

"Okay, kung iyan ang ipinagputok ng butse mo then I'll buy a new just for you." wika ng lalaki. Napatiim ako at saka sinampal siya.

Nagulat naman ang Police sa ginawa ko.

"Hindi mapapalitan ang Bugatti ko! ang gusto ko lang ay ipaayos ang nasira mo pero hindi ko sinabi na palitan mo! Hindi mo ba alam na mahalaga ang kotse kong yun maliban sa mahal yun ay bigay sa akin iyon ng asawa ko!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapahikbi. Ibinigay kasi ni Walter sa akin ang bugati noong pagproposed niya sa akin ng kasal.

I cried at saka iniwan ang lalaking mayabang.

Habang naglalakad ay iyak ako ng iyak. Nalulungkot na naman ako kasi naalala ko na naman si Walter..naalala ko ang asawa ko na hanggang ngayon ay hindi naman nagpaparamdam sa akin.

"Mrs. Dela Monte!" sinundan pala ako ng mayabang na lalaki. Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko ngunit nahablot niya ang braso ko.

"Let me go! ano ba?!" I wiped my tears at inis na hinarap siya.

Naging malambot naman ang naging ekspresyon niya.

"Hindi mo kailangang palitan ang kotse ko dahil hindi pwede mawala iyon sa akin! As if naman kaya mong bumili ng bugati. Hindi mo alam kung ano ang halaga nun sa akin." inis na wika ko. Napatiim ito.

"It's just a car!"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Hindi basta car yun! regalo yun sa akin ng asawa ko nung nagproposed ito sa akin ng kasal! kaya mahalaga iyon sa akin dahil yun lang ang pinanghahawakan ko sa asawa ko ngayon. Dahil naalala ko sa car na yun na mahal niya ako dahil iyon ang sinabi niya sa akin." iyak ng iyak na wika ko.

Napailing ito.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin. He comforted me. Napahagolhol na lang ako. Hindi ko maiwasang isipin na sana si Walter ang yumakap sa akin pero hindi eh.

"Okay, I'm sorry. I didn't know." wika ng lalaki. Ramdam ko ang senseridad sa boses nito.

Hindi ko alam pero hinayaan kong yakapin ako ng isang estrangherong lalaking to.

***********************

"So how's the proposal, Train. Nakuha mo ba ang approval ng asawa ko?" tanong sa akin ni Walter isang araw nang dumaan ito sa hotel na pag-aari ko.

Tumayo ako at saka sinuntok ito na ikinagulat naman nito.

"Hey! anong problema mo Train?! Ba't mo ako sinuntok?!" angal nito. Tiim na tiim ako. Nagdilim ako dahil nakita ko ang walang hiyang Walter na to.

True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon