Ikaapat na Yugto

7K 171 2
                                    

"Papatayin ko talaga ang Walter na yun for making my baby cry! I told him na hindi ka niya sasaktan and he promised me that! Babayagan ko talaga yun sa harapan niya at ng makita niya ang hinahanap niya!" galit na wika ni Dad kinaumagahan. Siguro ikinwento ni Mom kay Dad ang nangyari kagabi. Mugto ang mga mata ko sa kakaiyak kagabi. Hindi ako nakatulog ng maayos. I was thinking about how we ended up with this mess relationship. Naiisip ko kung maling tao ba ang minahal ko at kailangang masaktan ako ng ganito. He promised to love me with all his heart at kahit maputi na ang mga buhok namin ay mas lalo pa niya akong mamahalin pero nasaan na ang mga pangako niya sa akin? Ni hindi nga niya ako matignan sa mga mata.. ni hindi niya rin ako mahalikan sa mga labi.. ni ayaw niya akong hawakan. I was thinking, kung ano ang mga pagkukulang ko kung bakit nagawa niya sa akin ito? Pangit ba ako? o sadyang may mahal na siyang iba kaya siya biglang nagbago sa akin? Pero bakit niya ako pinakasalan kung hindi niya ako mahal? Para saktan?.. Naguguluhan ako.

"Sweetie! naku ikaw talaga! wag mo ngang paiiralin ang init ng ulo mo!. hindi madadaan sa init ng ulo ang problema ng anak mo!. mas lalo mo lang yatang pinapalaki iyong problema eh." saway ni Mom kay Dad. Pinanlalakihan niya ito ng mga mata. I was biting my lower lip. Pinipigilan ko ang sarili ko na maiyak. I was looking to them. Paano sila tumagal ng napakahabang panahon bilang mag-asawa? Ano ang pagkukulang ko bilang asawa na wala kay Mommy?Bakit hindi ko maramdaman ang mga pag-aalaga at pagmamahal ni Dad para kay Mom mula sa asawa ko? Mula pagkabata ay pinangarap ko na magkaroon ng mapapangasawa na tulad ni Dad..iyong minamahal at pinapadama sayo na ikaw lang ang babae sa buhay niya at wala ng iba pa. The way he looked at Mom ay nakikita ko ang matindi nitong pagmamahal para dito. Mahirap ba akong mahalin?Nakaupo ako sa hapag Habang nagluluto si Mom ng almusal at nangangape naman si Dad.

"Am I ugly?" biglang sambit ko. Natigilan ang mga magulang ko at kapwa sila napatingin sa akin at maya-maya pa ay nagkatinginan sila.

"Putang ina talaga yang Walter na yan sweetie eh! hinding-hindi ko talaga siya mapapatwad sa ginawa niya sa anak natin! He makes her cry at kahit sino mang tao na mananakit sa mga anak ko ay makakatikim talaga sa akin!" galit na wika ni Dad. Nilapitan ako ni Mom.

"Nak, lahat ng bagay ay may dahilan. Wag mong isipin na pangit ka o kung ano ang pagkukulang mo't ginaganyan ka ni Walter dahil walang mali sayo anak. You have everything. You are beautiful at walang kulang sayo. It's just that... may mga bagay talaga na hindi para sa atin o nangyayari sa atin dahil may malalim na dahilan. O baka naman sinusubukan lang kayo ng tadhana at agad ka namang sumuko. Baka nakakalimutan niyong dalawa na mag-asawa kayo at ang pag-aasawa ay hindi isang laro na kapag ayaw mo na ay pwede ka ng umayaw. Wala namang problema na hindi nasusulusyunan, diba?" wika nito sa akin.

I looked at her. I cried.

"Ayaw niyang pag-usapan Mom. He said, he's tired of everything.. he is tired of his company because of his Dad and he is tired of me. Ang sakit sakit Mom. Ganun ba kababa ang pagmamahal niya sa akin at madali siyang napagod?" humihikbing wika ko. Naawa si Mom sa akin. Napapailing si Mom.

"I need to talk that fucking asshole husband of yours Sandra! hindi ko maaatim na nakikita kitang ganyan!.. Isang taon pa nga lang kayong kasal pero heto ka't pinapaiyak ng gagong iyon?! Kailangan ko siyang makausap kasama ang mga magulang niya at ng magkaalaman kami! Baka hindi niya kilala kung sino ang kinakalaban nila!" wika ni Dad.

"Teka nga lang muna Anton! hayaan muna natin ang anak mo na magdesisyon! It's her life at kapag kailangan niya ng tulong natin ay saka pa tayo kikilos! Wag mong idaan lahat sa galit!" Wika ni Mom. Kailangan ko na munang magpalamig. Siguro bigyan ko muna ng space si Walter para makapag-isip at baka sa pagkakataong iyon ay mare-realized niyang mahalaga ako sa buhay niya.

True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon